Netflix Error S7336

Kung nakikita mo ang error code na S7336 sa computer mo, sa tabi ng sumusunod na message:

Pasensya na sa abala
Mukhang may isyu sa display mo. Siguraduhin na HDCP compliant ang monitor mo at hindi ito naka-mirror gamit ang AirPlay. Makipag-ugnayan sa Apple Support para sa karagdagang impormasyon.

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay pinipigilan ng video cable na nagko-connect ng computer mo sa display mo ang pag-play ng Netflix. Sundin ang steps sa ibaba para ayusin ang problema.

Siguraduhing gumagamit ka ng supported na uri ng video cable:

Tandaan:Kung gumagamit ka ng video cable adapter, dapat supported na uri ang magkabilang dulo ng connection.

  • HDMI, o HDMI Mini

  • USB-C (tinatawag ding Type C)

  • Thunderbolt

  • DisplayPort, o DisplayPort Mini

Kung nagkakaproblema ka pa rin at supported ang video connection mo, o kung hindi ka gumagamit ng external display, magpatuloy sa steps sa ibaba.

  1. I-shut down ang computer mo gamit ang menu:

    • Mac: Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Apple menu, pagkatapos ay i-click ang Shut Down.

    • Windows: I-click ang Start menu, at pagkatapos ay i-click ang Power > Shut down.

    • Chromebook: Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang oras, pagkatapos ay i-click ang Sign out > Shut down.

  2. Hayaang naka-off nang kahit 10 segundo ang computer mo.

  3. I-on ito ulit, tapos, subukan ulit ang Netflix.

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article