Netflix Error D7121-1331

Kung nakikita mo ang error code na D7121-1331 sa computer mo, ang pinakaposibleng ibig sabihin nito ay may isyu sa browser. Narito ang ilang paraan para ayusin ito:

Puwedeng dulot ang error na ito ng isa o higit pang Add-on o extension sa Edge na hindi gumagana sa Netflix.

  1. Sa kanang sulok sa itaas ng browser mo, i-click ang Extensions icon.

  2. I-click ang Manage Extensions.

  3. I-off ang lahat ng naka-install na extension, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

Kung maaayos ng steps na ito ang problema, puwede mong paisa-isang i-on ang mga extension mo para malaman kung alin ang pumipigil sa pag-play ng Netflix.

Para tiyaking supported ang version ng browser mo, tingnan ang mga kinakailangan sa system ng Netflix.

Kung hindi supported ang browser mo, i-update ang browser mo sa pinakabagong version o gumamit ng ibang browser kung saan supported ang HTML5.

Kung gumagamit ka ng Netflix app para sa Windows:

I-uninstall ang Netflix app

Kung ia-uninstall mo ang Netflix, maaalis ang kahit anong TV show o pelikula na na-download mo sa device mo. Masa-sign out ka rin sa account mo. Tiyaking nakahanda ang password mo.

  1. Pumunta sa Start menu at i-type ang Netflix.

  2. I-right-click o i-tap nang matagal ang Netflix app.

  3. May lalabas na popup. Piliin ang I-uninstall.

  4. Piliin ulit ang I-uninstall.

I-reinstall ang Netflix app

  1. Mula sa Start menu, piliin ang Store.

  2. Piliin ang Search mula sa kanang sulok sa itaas ng screen.

  3. I-type ang Netflix sa search box at pindutin ang Enter.

  4. Piliin ang Netflix mula sa mga resulta.

  5. Piliin ang I-install.

    • Kung hihilingin sa iyo na mag-sign in, mag-sign in gamit ang Microsoft account mo.

  6. Kapag tapos nang i-install, i-launch ang app at subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article