Netflix Error T7121-3078

Kung nakikita mo ang error code na T7121-3078 sa touchscreen display ng Tesla mo na may ganitong message:

Pasensya na sa abala
Mukhang hindi na supported ang version na ito ng browser mo. Paki-install ang pinakabagong version para patuloy kang makapanood.

Ang ibig sabihin nito ay kailangang i-update ang Tesla mo. Sundin ang steps na ito para ayusin ang problema.

I-update ang Tesla mo

  1. Kumonnect sa Wi-Fi network.

  2. I-tap ang Controls, saka i-tap ang Software. Maghahanap ng update ang Tesla mo.

  3. I-tap ang Update available.

  4. I-tap ang Install Now.

    Paalala:
    Hindi mo mada-drive ang sasakyan mo hangga't hindi natatapos ang update.
  5. Kapag tapos na ang update, subukan ulit ang Netflix.

Ang susunod na gagawin

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article