Saan makakabili ng official na merchandise ng Netflix
Naghahanap ng perfect na bagay para maipakita ang support mo sa mga paborito mong TV show at pelikula sa Netflix? Ang mga ito ang bahala sa iyo.
Netflix.shop
Ang Netflix.shop ay isang online shopping destination kung saan pinagsasama-sama ang official curated products at magandang storytelling para gumawa ng unique na shopping experience sa Netflix. Mag-explore sa mga bagong mundo at isabuhay ang mga kuwentong gusto mo sa mga product release at maingat na piniling collection.
Customer Service ng Netflix.shop
Kung naghahanap ka ng support para sa Netflix.shop, gaya ng confirmation, tracking o shipping, pagsasauli ng order, o availability ng merchandise, may ilang paraan para makipag-ugnayan:
Pumunta sa support center, kung saan puwede ka ring mag-message sa customer support.
Mag-email sa contact@netflixshopsupport.com
Available ang support sa wikang English, Lunes hanggang Biyernes, mula 8:30 a.m. hanggang 5:00 p.m. Eastern Time
Para sa iba pang impormasyon, pumunta sa Mga FAQ tungkol sa Netflix.shop.
Iba pang Retailer
Mayroon ding official na merchandise ng Netflix sa maraming malalaking retailer.
Tudum Magazine
Kung may kailangan kang baguhin sa subscription mo sa Tudum Magazine (na dating tinatawag na Queue), i-email kami sa tudum-magazine-info@netflix.com.