Sa anong mga wika available ang Netflix Games?

Paano makikita kung sa anong mga wika available ang isang game

Piliin ang game sa row na Netflix Games sa Netflix app. Nakalista ang mga wika sa section na Iba pang Detalye ng game. Kung hindi available ang game sa wika na hinahanap mo, i-check ulit sa ibang pagkakataon dahil gumagawa kami ng paraan para mag-add ng mas maraming wika.

Paano baguhin ang wika ng game

Kapag sinimulan mo ang game at pinili ang Netflix profile mo, gagamitin ng game ang wika ng Netflix profile mo, kung available.

May option din ang ilang games na baguhin ang wika sa settings ng game. Kung walang ganitong option ang game, baguhin ang wika ng profile mo para mabago rin ang wika ng game kung ang wika ay supported ng game.

Mga Kaugnay na Article