Netflix Error Playback:10013;

Hindi ma-play ang title. Pakisubukan ulit mamaya.

Karaniwang ang ibig sabihin ng error na ito ay may impormasyong naka-store sa device mo na kailangang i-refresh, o may problema sa network na pumigil sa pag-play ng Netflix.

Para ayusin ang problema:

  1. Buksan ang App Switcher sa pamamagitan ng pagpindot nang dalawang beses sa Home button. Kung walang home button ang device mo, mag-swipe pataas mula sa ibaba ng screen at pindutin ito nang matagal.

  2. I-swipe pataas ang app para i-quit ito.

  3. Buksan ang app, pagkatapos ay subukan ulit.

Paalala:Posibleng iba ang steps na ito sa device mo. Pumunta sa support site ng Apple para sa steps para mag-quit at magbukas ulit ng app sa iPhone o iPad.

Kapag in-uninstall mo ang app, made-delete ang anumang download na naka-save sa device mo at masa-sign out ka sa Netflix.

  1. Pumunta sa home screen, at i-tap nang matagal ang Netflix app.

  2. I-tap ang Remove app > Delete app > Delete.

  3. Buksan ang App Store at i-search ang "Netflix."

  4. I-tap ang Netflix, pagkatapos ay i-tap ang cloud icon para makuha ang app. Baka kailanganin mong ilagay ang password ng Apple ID mo. Kung nakalimutan mo ito, sundin ang steps ng Apple para i-reset ito.

  5. Kapag naka-install na ang app, subukan ulit ang Netflix.

Paalala:Kung hindi mo mahanap ang Netflix app pagkatapos alisin ito, sundin ang steps ng Apple para mag-download ulit ng app mula sa App Store.

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article