Into the Dead 2: Unleashed - Mga Tanong sa Gameplay
Na-stuck ka ba sa kahit saan sa laro? Iniisip mo ba kung paano gumagana ang isang bagay? May mga tanong ka ba tungkol sa settings sa laro? Heto ang mga sagot sa mga karaniwang tanong sa gameplay.
Posibleng may mga spoiler sa ibaba.
Ang Into the Dead 2: Unleashed ay mada-download ng members ng Netflix sa kanilang mobile app sa mga Android phone at tablet o iPhone, iPad, o iPod touch. Pakitandaan na may dalawang magkamukhang version sa app store. Ang Netflix version ay may Netflix 'N' logo sa icon para sa game.
Ang game na ito ay kapareho ng storyline at lore ng orihinal na Into the Dead 2, na may ilang pagkakaiba sa mechanics ng game, gaya ng pag-aalis ng mga in-app purchase. Magkabukod talaga ang mga game na ito. Puwede kang sabay na magkaroon ng dawang version sa iisang device, pero magkabukod ang progress ng mga ito.
Pag-customize ng Controls
Sa main menu, sa kaliwang sulok sa ibaba, i-tap ang wrench > Controls at pumili ng control layout. Habang naglalaro, puwede mo ring gawin ito sa pamamagitan ng pagpindot sa pause.
Pag-adjust sa Graphics
Puwede mong i-customize ang graphics ng game, na makakatulong para gumana nang mas maayos ang game sa device mo. Sa main menu, sa kaliwang sulok sa ibaba, i-tap ang wrench > Graphics at piliin ang Max, High, Medium, o Low, at pagkatapos ay i-tap ang Apply.
Pagpapalit ng Wika
Automatic na magiging kapareho ng wika ng game ang wika ng Netflix profile mo. Puwede mo ring piliin ang wika sa loob ng game. Sa main menu, sa kaliwang sulok sa ibaba, i-tap ang wrench > Wika at piliin ang wika.
Story mode
Ang mode na ito ay may 7 chapter (60 stage sa kabuuan). Kumpletuhin ang bawat stage ng story para makakuha ng Stars (maximum na 5 sa bawat stage) at Gold. Puwede mong i-replay ang isang story level kahit ilang beses na gusto mo. Mag-earn ng mas maraming Stars mula sa Story Challenges para ma-unlock ang rewards at ma-access ang karagdagang stages.
Daily mode
Naa-unlock ang mode na ito sa stage 8. Ang objective ay gamitin ang naka-assign na Weapon at Companion at pumatay ng pinakamaraming zombies hangga't posible. Abutin ang hinihiling na dami ng papatayin para ma-unlock ang rewards. Nare-refresh ang Daily bawat araw.
Mga Side Story
Puwede mong laruin ang 8 original story na maa-unlock kapag natapos mo na ang partikular na stages sa Story mode. Iba't ibang reward ang ibibigay sa bawat side story.
Event
Naa-unlock ang game mode na ito sa stage 32. Bawat event ay may naka-set na bilang ng stages na may mga objective kung saan ka makaka-earn ng points na mag-a-unlock ng rewards at magpapataas ng rank mo laban sa iba pang players sa leaderboard. Kung natalo ka sa isang stage, puwede kang mag-revive o puwede mong tapusin ang journey. Kung tatapusin mo ang journey o kung matapos ang event timer, magre-reset ang event mode.
Ang Events ay may 3 level ng difficulty: Regular, Pro, at Elite. Naa-unlock ang Elite mode kapag natapos ang main campaign.
Stars
Ang pagkumpleto sa goals sa loob ng stages ay magbibigay sa players ng Stars. Kailangan ang challenge stars para ma-unlock ang levels. Kapag mas maraming Stars ang naipon ng players, mas maraming Weapons, Companions, at Boosts ang naa-unlock.
Gold
Mag-earn ng Gold sa pamamagitan ng paglalaro ng Story, Event, o Daily modes. Ginagamit ang Gold sa pag-upgrade ng Weapons at Companions.
Crowns
Nae-earn ang Crowns sa pamamagitan ng paglalaro ng Daily missions. Magagamit ang mga ito para i-unlock ang bagong weapons sa prize ladder na puwedeng gamitin sa buong game.
Paano mag-unlock ng weapons
Naa-unlock ang Weapons gamit ang Stars at bawat stage ay nagbibigay ng Stars para sa nakumpletong challenges.Paano mag-upgrade ng weapons
Bawat Weapon ay maa-upgrade sa pamamagitan ng pagpatay sa zombies. Bawat pagpatay ay nagbibigay ng XP para sa specific item na iyon. Kapag handa na sa pag-upgrade ang XP ng isang item, i-tap ang Weapons tab sa main menu at gamitin ang Gold para mag-upgrade. Naa-unlock ang Weapon Skins kapag nananalo.
Weapons na Available:
Defender D9 - Isang luma pero maaasahang sidearm. Subok na ng panahon ang disenyo nito.
G911 Enforcer - Tiwala ang mga pulis sa side-arm na ito na magaan at high capacity.
R77 Rapid - Rapid firepower sa naitatagong package, na may single shot at burst fire modes. Maraming lider ng mundo ang iniligtas ng machine pistol na ito.
Hammerhead 357 - May matindi, dahan-dahan, pambihirang stopping power. Hindi basta-basta ang revolver na ito.
G911 Black Veil - Kinustomize ng operative na may codename na “Black Veil” ang G911 na ito para magpadanak ng dugo at may suppressor, laser sight, at extended magazine.
Cartel Twins - Mga custom 9mm pistol na ipina-commission ng kilalang crime boss. Doble ang saya.
Dragoon IX - Pambihirang vintage cavalry revolver na may bukod na barrel para sa firing ng shotgun shell. Gamit na gamit noong civil war.
Alpha & Omega - Ang pasimula at ang wakas. Kahit anong away na sinimulan ng mga ito, tinatapos ng mga ito.
Brute Double - Lumang farm shotgun na magaan pero mabagsik. Mas magandang gamitin sa malapitan.
Justice M32 - Ilagay sa kamay mo ang batas kahit saan ka pumunta. Mabagal, pero nagwawasak ng malawak na area.
ASH-20 Breacher - Dinevelop ng Milgram ang fully-automatic combat shotgun na ito sa pag-raid ng structures sa warzones. Natuklasan ni Corporal Garcia na magagamit ito sa ibang paraan.
S-12 Riot - Ang tactical shotgun na ito ang hari ng crowd control, isang walang-kapantay na kakampi sa survival.
Brute Inferno - Ang collector's item na ito, na pag-aari noon ng isang oil baron, ay sabay na nagpapaputok ng mapangwasak na incendiary shells mula sa dalawang barrel.
The Surgeon - Ang Surgeon, na may opisyal pangalang Surge Compact, ay tinawag nang ganito dahil pinagpuputol-putol nito ang katawan ng mga nagkalat sa lansangan. Lifesaver ang bilis at accuracy nito, pero bibihira ang nakakaligtas sa tama nito.
X-12 Tyrant - Dinisenyo ang shotgun na ito bilang matinding pandepensa pero pinaniniwalaang sobrang lakas para isalang sa mass production.
Colossus - Pangmalapitan lang ang Colossus pero mapangwasak ang pasabog. Huwag ka lang papahuli habang nagre-reload.
Bandit T9 - Kinatatakutang weapon na dating naglipana sa mga lansangan. Matakaw sa ammo.
MT-56A Tactical - Dinisenyo para sa bodyguards at strike teams. Ordinaryong misyon lang ang apocalypse.
PP20 Dolbenkov - Ang PP20 Dolbenkov, na may kapares na set ng high-tech night-vision goggles, ay may silencer kaya hindi ito nag-iingay at makakapatay nang tahimik.
Ezek - Dahil sa compact design ng Ezek na bumago sa mga SMG, nasa palad mo ang pambihirang firepower.
T19 Rattlesnake - Mabilis. Maaasahan. Nakamamatay. Walang katulad ang Rattlesnake.
Redacted - Ang suppressed prototype na ito ay ginawa para sa silent CQB ops -- ang uri na hindi sana dapat umiiral.
Fate & Fortune - Ang magkapares na SMG na ito ay iniregalo noon sa isang makapangyarihan at madiskarteng CEO.
A45 Apex - Gusto ng SWAT teams ang compact SMG na ito dahil makakapagbago sila ng tactics na kasimbilis ng pagpapalit ng fire modes.
Militia HK-5A - Isa sa mga pinakamalawakang ginagamit na assault weapon. Sugod na sa kalaban.
ARC-4 Guerrilla - Ang classic ARC na ito ay pinanday sa gubat at sumikat pagkatapos makita sa maraming sikat na pelikula at television show.
ARC-7 Legion - Binuo para sa digmaan. Kapag nasa kagipitan, hindi ka ipapahiya ng rifle na ito.
ARC-9 Battalion - Restricted at military-grade na hardware na may dalawang magazine at underbarrel grenade launcher.
K1 Stryker - Bagay sa Stryker ang pangalan nito dahil asintado at tumatagos ang mga tama nito gamit ang semi-auto pero makakapag-fire din ng standard rounds gamit ang full-auto mode.
ARC-11 Shadow - Dinevelop ito mula sa classic ARC formula para gamitin sa covert ops at may ikalawang fire mode na nagraratrat ng mga tumatagos na bala.
Escorpión III - Isang boss ng cartel ang kilalang nagdidisiplina sa traidor na sicarios gamit ang dalawang scorpion. Naka-display sa opisina niya ang weapon na ito bilang panghuling babala.
ARC-12 Vanguard - Ang fully automatic ARC variant na ito ay may underbarrel shotgun at dinisenyo para sa pinakamahusay na breach and clear operations.
Wild Spur - Maraming pinatumbang kriminal noon ang western classic na ito. Handa ito sa marami pang aksyon.
Predator 308 - Malakas, pangmalayuan, at napakaasintadong weapon ng mga hunter.
Javelin AP51 - Kilalang napakalakas na .50 caliber sniper rifle na tumatagos sa katawan ng targets. Tip: magandang kapares ng Explosive Ammo.
F300 Carbine - Ang mabilis at asintadong rifle na ito ay may bayoneta, na puwedeng pandepensa sa malapitang pag-atake.
COBALT Mk. IV - Ang top-secret anti-materiel rifle na ito ay gumagamit ng electromagnetic fields para magpatagos ng bala sa armor sa hypersonic speeds.
Spectral II - Ang moderno at magaang compound bow na ito ay mabilis hilahin pero napakalakas magpahilagpos ng mga pana. Karamihan sa mga pana ay puwedeng bunutin mula sa mga bangkay para magamit ulit.
Spirit DDX - Tahimik, nakamamatay, at puwedeng gamitin ulit ang bolts. Kailangan ang skill.
Absolution - Ang misteryosong weapon na ito ay napakatuling magpahilagpos ng bolts o napakalakas magpahilagpos ng single bolt.
V.L.A.D. - Ang Very Large Arrow Dispenser ang sagot ng isang talented engineer sa apocalypse. Mahigit sa isang target ang mapapatumba ng bawat reusable harpoon.
Throwing Daggers - Maliit. Matulis. Tahimik. Talagang nakamamatay ang Throwing Daggers... huwag ka lang magmimintis.
Aftershock - Ang nakakapanginig na weapon na ito, na pinasadya para maka-survive sa apocalypse, ay makakapatay sa target at makakagulantang sa mga nakapalibot na kaaway.
Nailbiter - Ang modified nailgun na ito, na tamang-tama sa construction pati sa destruction, ay handa na sa katapusan ng mundo.
GL-03 Krampus - Isang vintage military grenade launcher na may orihinal na harmonica magazine. Magiging malupit ka ba o magpapakabait?
Bainbridge M14 - Ang machine gun na ito, na imbensyon ng proud inventor na si S.G. Bainbridge, ay rumaratrat ng kalaban sa isang kalabit lang ng gatilyo.
Hellfire - Ang flamethrower na ito, na pinasadya para tumunaw sa mga mukha ng bangkay, ay puwedeng sumunog sa isang target o makapagpakawala ng maapoy na pagsabog na tutupok sa kahit anong nasa malapit.
Sawtooth - Ang saw blade launcher ay pinasadya para sa apocalypse. Nasapawan nito ang maraming iba pa.
MGN-6 Juggernaut - Nasa kamay mo ang weapon na nakakapagpaulan ng bala at may firepower ng attack helicopter. Tandaan lang na matagal ang pag-wind-up at pag-reload dito.
XM-4 Titan - Pinakamodernong rocket launcher na makakapagpasabog ng mga sasakyan, gun nests, at kahit anong magkakamaling lumaban sa iyo.
M2020 Harbinger - Ang belt ng machine gun na ito ay puno ng bala na garantisadong lilipol sa mga kaaway mo.
G-8 Marauder - Ang sikat na Marauder ay maraming pasabog noong panahon nito. Gamitin ang lahat ng anim na nagngangalit na bala nito para makarating sa kailangan mong puntahan.
Hindi available ang weapons na ito sa Weapon select screen, at available lang habang naglalaro.
Mga Patalim - Bawat player ay binibigyan ng isang patalim sa simula ng bawat Run. Ililigtas ka ng mga patalim kung sakaling mahuli ka ng isang zombie.
Mga Grenade - Maihahagis sa zombies gamit ang grenade button na nasa screen. Binibigyan ang players ng isang Grenade sa simula ng bawat Run at makakahanap ng mga karagdagan sa ammo crates.
Chainsaw - Pamutol na pinapagana ng gas. Magagamit sa pag-trim ng mga puno, pamutol ng panggatong, at pagpapabagsak sa mga patay.
Scrub Cutter - Pinapanatiling malinis ang harapan ng bahay at tumatagpas ng zombies. Nakakargahan ng mas maraming fuel kaysa sa Chainsaw at mas malawak ang range.
Naa-unlock ang Mga Companion habang nilalaro ang game, at makakatulong sa iyo sa pagpapabagsak sa zombies.
Available na Companions:
Crossbreed - Tapat na companion para hindi ka malungkot. Handa siyang magpatumba ng zombies.
Mga espesyal na kakayahan: Wala
Bull Mastiff - Ang pinakamatinding attacker. Siya ang pinakamabagsik na zombie attack dog.
Mga espesyal na kakayahan: Wala
Golden Retriever - Isama mo ito sa story mode para makakuha ka ng bonus gold.
Mga espesyal na kakayahan: Humahanap ng extra Gold sa Story mode
German Shepherd - Tapat at maaasahang kaibigan. Puwede kang iligtas ka sa panahon ng run.
Mga espesyal na kakayahan: Puwedeng magligtas
Border Collie - Matalas ang mga mata nito sa ammo. Kung kinukulang ka na sa ammo, handa siyang tumulong.
Mga espesyal na kakayahan: Nakakapagbigay ng extra ammo crates
Malayan Tiger - Mabagsik na killer. Puwede kang iligtas ka sa panahon ng run.
Mga espesyal na kakayahan: Puwedeng magligtas
Bengal Tiger - Ang pinakamatinding killing machine. Puwede kang iligtas ka sa panahon ng run.
Mga espesyal na kakayahan: Puwedeng magligtas
Alpha Wolf - Huwag ipagkamali ang mabalasik na predator na ito sa mapag-isang wolf - puwede mong tawagin ang pack nito kapag nasa kagipitan ka.
Mga espesyal na kakayahan: Tumatawag ng wolf pack para pumatay ng zombies
Bear - Napakalakas na kakampi na ang ungal ay dumidistract sa mga kaaway.
Mga espesyal na kakayahan: Umuungal para i-distract ang mga kaaway at hindi makagalaw ang mga ito.
Puma - Isang tusong hunter na ang ungal ay umaakit ng mga kaaway na nasa malapit.
Mga espesyal na kakayahan: Tumatawag ng mas maraming zombies.
Dobermann & Pup - Sinanay sa search and rescue ang walang takot na inang ito. Puwedeng manatili sa tabi mo para iligtas kung kailangan, o maghanap ng ammo, mga grenade, at patalim.
Mga espesyal na kakayahan: Humahanap ng Ammo, mga Patalim, o Grenade. Puwedeng magligtas.
Gusto mo bang alamin pa ang Into the Dead 2: Unleashed? Puntahan ang Game Support page nito