Relic Hunters: Rebels - Mga Tanong sa Gameplay

Na-stuck ka ba sa kahit saan sa laro? Iniisip mo ba kung paano gumagana ang isang bagay? May mga tanong ka ba tungkol sa settings sa laro? Heto ang mga sagot sa mga karaniwang tanong sa gameplay.

Posibleng may mga spoiler sa ibaba.

Pag-customize sa mga Control
Sa kaliwang sulok sa ibaba, i-tap ang Options > Control Mode, at pumili sa Static (para sa fixed controller layout) at Dynamic (controller na sinusundan ang pagpindot mo sa screen). I-tap ang Apply.

Pag-adjust sa FPS
Sa kaliwang sulok sa ibaba, i-tap ang Options > FPS Limit. Pumili sa 30 FPS, 60 FPS, at No Limit. I-tap ang Apply kapag tapos na. Posibleng makatulong ang mas mababang FPS (frames per second) na setting sa pagtakbo nang mas maayos ng game sa device mo.

Pagpapalit ng Wika
Automatic na magiging kapareho ng wika ng game ang wika ng Netflix profile mo. Puwede mo ring piliin ang wika sa loob ng game. Sa kaliwang sulok sa ibaba, i-tap ang Options > Language, pumili ng wika, at i-tap ang Apply.

Pagkontrol sa Character mo
Mag-touch at mag-drag kahit saan para gumalaw. Sa kanang sulok sa ibaba, i-tap ang crosshairs para gamitin ang naka-equip mong weapon. Automatic na tina-target ang mga kalaban.

Strengths at weaknesses ng stage
Mag-tap sa Area Stage para alamin pa ito bago ka maglaro. Piliin ang Loadout na pinakaangkop sa kung ano ang Strong o Weak sa area. Ang Weapon na pipiliin mo ay posibleng may icon sa itaas nito:

  • Berdeng pataas na arrow: malakas sa area na ito ang elemental buff ng Weapon

  • Pulang pababang arrow: mas mahina sa area ang Weapon

  • Walang arrow: neutral ang Weapon, at normal damage ang gagawin nito

Patrols
Ang Patrols ay special missions sa bawat territory na may mga natatangi at garantisadong reward! Magkakaroon ng bagong Patrols tuwing 12 oras. Naa-unlock ang mga mission na ito sa Rebel Rank 4, at magandang paraan ito para makuha ang mga item na hinahanap mo.

Daily / Main Quests
Sa kanang bahagi sa ibaba ng main screen, i-tap ang paper checklist icon para i-access ang Daily o Main Quests mo. Naa-unlock ang mga quest na ito pagkatapos ng Stage 7. Gawin ang Quests para makakuha ng mga reward.

Characters
Magsisimula ka sa game gamit si Jimmy, the sharpshooter. Maa-unlock ang iba pang Relic Hunters sa pag-usad mo sa mga level at pag-unlock ng mga bagong area.
Puwede mong i-level up ang bawat character sa pamamagitan ng pagkolekta ng materials para ma-upgrade ang Friendship level. Ang bawat character ay may special type ng material na kailangan para ma-upgrade sila. I-upgrade ang friends mo sa max friendship para mapataas ang stats nila at maabot ang pinakamalakas na form nila.

Ano ang gagawin kung masyadong mahirap ang isang Stage
Puwede kang bumalik sa mga Stage na natapos mo na para mangolekta pa ng loot at experience. Makakatulong ito sa iyo na mag-level up at maging mas malakas para matalo ang mga kalaban sa susunod na area. I-level up ang Weapon mo sa pamamagitan ng pagpunta sa Baru's Workshop, o mag-craft ng bagong Weapon na may tamang elemental damage para maging mas malakas ito sa Stage na nilalaro mo.

Mga main item

  • Bounty: Nakikita ang currency na ito bilang Red Star. Puwedeng mag-drop ang mga ito habang naglalaro sa mga Stage o puwedeng bilhin ang mga ito sa Market. Makikita mo ang total mo sa kanang sulok sa itaas ng screen mo.

  • Mga Rune: Ang mga Rune ay mga ang mga purple at dilaw na square. Puwedeng mag-drop ang mga ito habang naglalaro sa mga Stage, o puwedeng makuha ang mga ito bilang reward sa ilang Main Quest. Makikita mo ang total mo sa kanang sulok sa itaas ng screen mo.

  • XP: XP, o Experience, ay ang mga dilaw na sphere kapag nakatalo ka ng kalaban. Puwede kang makakuha ng XP kapag nag-Craft o nag-Upgrade ka ng mga Weapon, nakatapos ng mga area, at naglaro ng mga partikular na Main Quest.

May iba pang item sa game na puwede ring gamitin para mag-craft, o mag-level up ng Friendship mo.

Rarity ng Item
May ilang item na mas mahirap makuha kaya sa iba! Malalaman mo ang rarity ng item sa pamamagitan ng pagtingin sa background color kapag tinitingnan ito sa Stage details o sa Inventory.

  • Grey = common

  • Green = uncommon

  • Blue = Rare

  • Purple = Epic

Inventory
Sa kanang sulok sa ibaba ng main screen, i-tap ang Treasure Chest icon para i-access ang Inventory mo. Sa screen na ito, makikita mo ang lahat ng nakolektang item at kung ilan ang mayroon ka.

Paalala:Walang limit sa mga pag-drop ng mga ordinary item, pero hindi na magda-drop ang mga Blueprint at Friendship item kapag na-craft mo na ang weapon mo o kapag naabot mo na ang maximum friendship sa Hunter na iyon.

Market
Sa kaliwang sulok sa ibaba ng main screen, i-tap ang money bag icon para ma-access ang Market. Puwede kang bumili ng materials at Blueprint gamit ang Bounty at mga Rune! May mga darating na bagong item tuwing 12 oras. Maa-unlock ang Market pagkatapos ng Forest Tribe Stage 6.

Sa kanang sulok sa ibaba ng main menu, i-tap ang weapon para buksan ang Baru's Workshop. Doon, makakapag-Craft ka ng mga bagong Weapon at puwede mong i-Upgrade ang mga iyon gamit ang mga item na makikita habang naglalaro.

Paano Mag-Craft ng mga Weapon
Kakailanganin mong maghanap at gumamit ng mga Blueprint. May iba't ibang Blueprint requirement ang bawat Weapon, at makikita ang mga ito bilang loot drops sa iba't ibang Stage at game mode.

Paano mag-Upgrade ng mga Weapon
Ang bawat weapon ay gumagamit ng iba't ibang resource para ma-upgrade ang Weapon Rank. Makikita mo ko alin ang kailangan sa Baru's Workshop.

Trait Points ng Weapon
Puwede kang gumamit ng materials at Bounty para mapataas ang Trait Points ng weapon mo. May sariling material na kailangan ang bawat Weapon.

Paghahanap ng Crafting material
Kung may hinahanap kang partikular na material, sumangguni sa Stage details. Kapag nilaro ang Stage, may posibilidad na ma-drop ang item na hinahanap mo, pero posibleng kailanganin mong subukan nang mahigit isang beses para makuha ang mga mas rare na item.

Gusto mo bang alamin pa ang Relic Hunters: Rebels? Puntahan ang Game Support page nito

Mga Kaugnay na Article