Nagkaproblema sa device. Paki-restart ang device mo at subukan ulit (501.-172).
Para ayusin ang error na ito:
I-off ang device mo, pagkatapos ay i-on ito ulit
I-off ang phone o tablet mo. Siguraduhing naka-off ito at hindi lang naka-lock.
I-on ito ulit.
Subukan ulit ang Netflix.
I-restart ang home network mo
I-off ang device mo, pagkatapos ay bunutin sa saksakan ang modem at router mo.
Pagkalipas ng 30 segundo, isaksak ang modem at router mo.
Maghintay nang 1 minuto, pagkatapos ay i-on ang device mo.
Tandaan: Baka mas matagal mag-reconnect sa Internet ang ilang device, modem, at router.
Palakasin ang Wi-Fi signal mo
Para makakuha ng mas magandang signal, puwede mong:
Paglapitin ang router at device mo. Kung posible, ilagay ang mga ito sa iisang kuwarto.
Ilayo ang router mo sa iba pang wireless device at appliance.
Ilagay ang router mo sa lugar na walang harang at hindi nakalapag sa sahig. Mas malakas ang signal ng mga router kapag nasa mesa o estante.
I-restore ang default na connection settings mo
Kung binago mo ang connection settings sa device mo, kailangan mong ibalik ang mga ito sa default.
Posibleng kasama sa settings na ito ang:
Custom modem settings.
Virtual Private Network (VPN) o proxy service settings.
Custom DNS settings.
Kung kailangan mo ng tulong sa pagbabago sa settings na ito, makipag-ugnayan sa manufacturer ng device.
Kapag na-reset mo na ang settings na ito, subukan ulit ang Netflix.
Ang susunod na gagawin
Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.