Netflix Error D7361-1254-8004CD22

Kung nakikita mo ang error code na D7361-1254-8004CD22 na may ganitong message:

Pasensya na sa abala
Pasensya na, nagkakaproblema kami sa request mo.

Ang ibig sabihin ito ay walang built-in na content protection ang screen o computer monitor na ginagamit mo na kailangan ng Netflix para gumana. Sundin ang steps para ayusin ang error na ito.

I-disconnect ang kahit anong secondary display

I-disconnect ang computer mo sa kahit anong external monitor o TV at subukang i-play ulit ang TV show o pelikula. Kung malulutas nito ang isyu mo, malamang na hindi supported ng external monitor o TV mo ang HDCP copy protection.

Mga Kaugnay na Article