Asphalt Xtreme - Mga Tanong sa Gameplay

Na-stuck ka ba sa kahit saan sa laro? Iniisip mo ba kung paano gumagana ang isang bagay? May mga tanong ka ba tungkol sa settings sa laro? Heto ang mga sagot sa mga karaniwang tanong sa gameplay.

Posibleng may mga spoiler sa ibaba.

Pag-customize ng Controls
Mula sa main menu, i-tap ang Options > Controls at pumili sa iba't ibang options sa control. Habang nasa karera, sa kaliwang sulok sa itaas, i-tap ang pause> Options > Controls.

Pagpapalit ng Wika o Bansa
Awtomatikong ima-match ang wika ng game sa wika ng profile mo sa Netflix. Puwede mo ring piliin ang wika sa loob ng game. I-tap ang Options > Language And Country at pumili ng wika at bansa.

Permanente ang pagpapalit ng Bansa. Hindi mo na ulit ito mapapalitan.

Pag-adjust ng Music, Sound Effects, at Engine volume
I-tap ang Options > Sound & Display. Gamitin ang sliders para i-adjust ang mga level ng volume.

Pagbabago ng Speed Unit
I-tap ang Options > Sound & Display. Sa bandang ibaba ng screen, makikita mo ang settings ng Speed Unit.

Pag-connect ng controller
Mag-connect ng wireless na controller sa pamamagitan ng Bluetooth para kontrolin ang sasakyan mo. Kapag naka-connect na ito, puwede mong gamitin ang on-screen controls o ang controller.

Career
Makipagkarera para makakuha ng Stars, Credits, Crowns, at Cards. Maglaro ng events na nakakategorya ayon sa season para umusad sa mode na ito. Sa ilang event, kailangan mong magkaroon ng partikular na sasakyan o partikular na Rank ng sasakyan, kaya kailangan mo munang i-upgrade ang mga sasakyan mo.

  • Classic - Matapos nang una, kumarera gamit ang isang partikular na Archetype, o kumumpleto ng challenge. Una ka dapat matapos para makuha ang Stars galing sa dalawa pang achievement.

  • Elimination - May ilalagay na timer sa pinakahuling racer, at kapag zero na ang timer, mae-eliminate sila. Mare-reset ang timer sa tuwing may mae-eliminate na racer. Kapag ikaw na lang ang natitira, makakakuha ka ng 1 Star. Kumpletuhin ang dalawa pang challeng ng karera para makuha ang 2nd at 3rd Stars.

  • Knockdown - Makipagkarera sa isang karibal at marami pang sasakyan. Layunin mong makatalo ng mas maraming sasakyan kaysa sa karibal mo, sa loob man ng nakatakdang oras o laban sa nakatakdang dami ng sasakyan.

  • Infected - Magiging infected ang pinakahuling racer sa simula ng karera. May unlimited na nitro ang mga infected na racer, pero ilang segundo lang ito tumatagal. Para makakuha ng mas maraming oras, may mga kailangan silang gawin kagaya ng pag-drift at mga stunt, at ikalat ang infection nila sa iba pang racer sa pamamagitan ng paghawak sa mga ito. Mananalo ang unang makakalampas sa finish line.

  • Versus - Makipagkarera sa isang kalaban at iwasan ang paparating na traffic. Layunin mong maunang matapos sa karera.

Mastery
I-master ang mga sasakyang na-unlock mo, kumpletuhin lang ang mga special challenge na puwedeng magbigay ng mga special reward, kagaya ng mga exclusive na Decal. Maa-unlock ang Vehicle Masteries para sa bawat sasakyan kapag binuo mo ang mga ito gamit ang mga Blueprint.

Multiplayer
Bumoto ng game mode, lokasyon, at bilang ng laps at makipagkarera sa ibang player batay sa personal na Rank ng sasakyan. Nakadepende ang dami ng points na makukuha mo sa pagkapanalo sa dami ng racer at dami ng karerang sinalihan mo. Lalabas ang lahat ng racer sa mga leaderboard, na nagpapakita ng best time at achievement.

Makakakuha ka ng mga reward sa mga daily na panalo kapag sumali ka sa multiplayer at tumapos ng ilang karera nang nasa top 3 na posisyon. Lalong gumaganda ang mga reward habang mas marami kang naiipong panalo, at nagre-reset ito araw-araw.

Mga Limited-Time Event
Available lang ang mga ganitong karera sa loob ng partikular na panahon. I-tap ang banner na Claim Your Rewards para kolektahin ang mga item mo. Kung humihingi ng partikular na sasakyan ang event para makumpleto ang challenge, i-double check kung nagma-match ang pangalan ng sasakyan mo. Kapag ibang sasakyan ang ginamit mo, hindi makukumpleto ang challenge.

Launch Event
Gumamit ng mga Fuse para sumali. Nare-refill ang mga fuse kapag ubos na nang hanggang tatlong beses. Tapusin ang lahat ng tatlong stage para i-unlock ang exclusive na kotse. Kung hindi mo matatapos ang event sa tamang oras, kakailanganin mong kunin ang kotse sa ibang paraan, pero mananatili pa rin ang mga upgrade.

Mga Credit
Ginagamit para bumili ng maraming iba't ibang uri ng item. Makakuha ng credit sa pamamagitan ng pagsali sa Career mode, Vehicle Masteries, at Multiplayer. Nakadepende ang mapapanalunang dami sa posisyon mo, sa dami ng Stars na nakuha sa Career mode, o sa performance mo habang nasa karera (kinakatawan ng mga medal).

Mga Crown
Ginagamit para bumili ng mga exclusive na Decal para sa mga sasakyan, rare na Box, at item sa Black Market. Makakuha ng crown sa pamamagitan ng paglalaro ng mga Limited-Time Event, pag-maintain ng win streaks sa Multiplayer, pagkuha ng 2-3 Stars sa mga Season level, at sa mga reward sa daily mission.

Mga Star
Ginagamit para sukatin ang progress mo sa Career mode. May 225 events at may makukuhang 3 Stars sa bawat isa. Depende sa game mode, palaging nakukuha ang unang Star ayon sa posisyon/oras/score sa isang Career event. Nakukuha ang iba sa pamamagitan ng pagkumpleto sa 2 objective bawat event. Inilalarawan ang mga objective na ito sa screen bago magsimula ang karera.

Mga Card
Makakuha ng item na ito mula sa mga Box, pagsali sa mga Limited-Time Event, at pagkuha ng Stars sa Career mode. Nakakakuha ng mga ganito sa pamamagitan ng lotto, kaya random ang bawat isa. Hindi maibebenta ang mga card.

Black Market
Nagre-refresh ang shop kada 6 na oras na may mga pagpipiliang card na puwede mong bilhin gamit ang mga Credit o Crown.

Pag-unlock at pag-upgrade
Mangolekta ng ilang Blueprint na kailangan para mag-unlock ng sasakyan. Makakuha ng mga Blueprint kapag nagbukas ng mga Box na nakolekta mo bilang mga reward o bilhin sa Black Market. To upgrade your vehicle, you'll need enough Blueprints, Tool Cards, and Credits. Kapag na-unlock na ang isang sasakyan, hindi na ito mabebenta.

Rank ng Sasakyan
Isang indicator ng power, at nauugnay sa acceleration, top speed, handling, at Nitro ng sasakyan. Pataasin ang Rank ng sasakyan mo gamit ang Rank-Up Tools na makikita sa loob ng mga Box para umusad. Puwede mong pataasin ang Rank ng sasakyan (hanggang level 50) sa pamamagitan ng pag-upgrade dito sa garage menu, o sa pamamagitan ng pag-unlock ng sasakyan na may mas mataas na Rank.

Mga option sa pag-customize ng isang sasakyan
I-customize ang mga sasakyan mo gamit ang Decals - mag-tap sa sasakyan, pagkatapos ay mag-tap sa sprayer sa kaliwang sulok sa ibaba. Puwede kang manalo ng Decals sa mga exclusive na Limited-Time Event at mga Mastery na karera ng sasakyan, o bilhin ang mga ito gamit ang mga Crown. Hindi maa-adjust ang window tint ng sasakyan.

Pag-handle ng sasakyan sa Hindering Terrain
Iba-iba ang epekto sa mga sasakyan ng Hindering Terrain sa tracks. Pinapabagal ng putik at tubig ang lahat ng sasakyan maliban sa mabibigat na sasakyan (mga Truck at Monster Truck). Mas pinapadulas ng yelo ang mga sasakyan.

Pag-check ng mga goal at objective
Sa Career mode, ipinapaliwanag ang mga objective sa screen bago ang karera. Mag-tap sa kahit anong poster para makakuha ng extra info tungkol sa karera, sa uri ng challenge, at sa second at third-Star objectives. Kapag nakapili na ng karera at sasakyan, makikita mo ulit ang objectives sa loading screen.

Nitro
Ang Nitro ay mga boost na makikita habang nasa karera sa pamamagitan ng pagkolekta ng mga nitro bottle, o paggawa ng mga trick in-game kagaya ng mga flat spin at barrel roll, drift, jump, knockdown, at pagsira ng mga breakable. Kolektahin ang mga ito habang nakikipagkarera para punuin ang Nitro bar mo at i-unleash ito sa pamamagitan ng pag-tap sa screen. Mag-tap nang isang beses para gumamit ng kaunting Nitro, o mag-tap nang maraming beses para mas mag-boost at palakasin ito.

Long Nitro
I-activate ang Long Nitro sa pamamagitan ng pag-tap nang isang beses para palabasin ang isang pulang seksyon sa dulo ng na-activate na bahagi ng Nitro. I-tap ulit ang Nitro kapag naabot na ng Nitro bar ang pulang seksyon, at mas mabagal na gagamitin ang susunod mong bahagi ng Nitro. Kapag gumamit ka ng mga Archetype kagaya ng mga SUV o truck, magiging mas madali para sa iyo na gumawa ng mga long chain.

Drifting
Mag-steer nang matagal hanggang sa magsimulang mag-drift. Puwede mo ring i-tap ang brake habang nagsi-steer para mapuwersa ito nang mas maaga. Mag-drift para mag-navigate sa mga delikadong kurbada. Itigil ang pag-drift sa pamamagitan ng pag-steer sa sasakyan nang padiretso. Maaalis ka rin sa pag-drift sa pamamagitan ng mabilis na Nitro boost at sa mga partikular na matulis na liko.

Mga Barrel Roll at Flat Spin
May reward na Nitro para sa tricks na ito habang nasa karera. Nakakagawa ang magagaling na player ng maraming roll o spin sa iisang talon - isang solid na strategy para mas mabilis mapuno ang Nitro bar ng sasakyan mo.

  • Ang mga barrel roll ay mga aerial maneuver na nagpapalipad sa sasakyan sa isang corkscrew trajectory. Puwede itong simulan sa pamamagitan ng pagtalon sa mga nakakurbang rampa nang naka-high speed.

  • Isa pang aerial trick ang mga flat spin, kung saan umiikot ang sasakyan sa ere. Puwede itong ma-trigger sa pamamagitan ng pagtalon sa normal na rampa habang nagdi-drift.

Mga Booster
Ang mga ito ay mga bonus na nakakaapekto sa lahat ng karera na sisimulan ng isang player sa loob ng nakatakdang oras. Bilhin ang mga ito gamit ang mga Credit bago magsimula ang bawat karera, o kunin ang mga ito bilang mga gift o reward. Kapag na-activate, may lalabas na timer sa Boosters screen. Kapag nag-activate ng maraming booster na iisa ang uri, madadagdagan ang kasalukuyang time limit.

  • May 4 na uri ng mga Booster:

    • Double Credits: Dinodoble ang dami ng mga credit na nakukuha mo sa dulo ng lahat ng karera sa loob ng limitadong oras.

    • Nitro Recharger: Pinupuno ang Nitro bar nang doble ang speed.

    • Extra Tank: Pinapatagal ang capacity ng Nitro bar mo.

    • Boosted Wheels: Binibigyan ng immunity ang sasakyan mo sa hindering terrain. (Immune na ang mga Truck at Monster Truck sa hindering terrain.)

Shortcuts
May mga special path sa tracks na mabubuksan lang ng mabibigat na sasakyan kagaya ng mga Monster Truck at Truck. Makakasalisi ang magagaling na player sa mga shortcut kung may mabigat na sasakyang magbubukas muna ng pasukan.

Pakikipagkarera sa iba't ibang track gamit ang mga sasakyang may iba't ibang tier
Kailangan mong mag-unlock ng mga event para makipagkarera sa iba't ibang track. Puwede kang makipagkarera sa lahat ng na-unlock na event gamit ang anumang sasakyang mayroon ka na, pero puwede mong i-check ang event information para makakuha ng clue tungkol sa kung aling Archetype ang mas magandang gamitin sa partikular na event na iyon.

Pagpapalit ng view ng camera
Habang nakikipagkarera, i-tap ang maliit na camera sa kanang sulok sa itaas ng screen. Puwede mo rin itong palitan sa pamamagitan ng pag-tap sa pause > Options > Sound & Display.

Palitan ang istasyon ng radyo
Habang nakikipagkarera, sa kaliwang sulok sa itaas, i-tap ang pauseat piliin ang uri ng music na gusto mo.

Gusto mo bang alamin pa ang tungkol sa Asphalt Xtreme? Pumunta sa page ng Game Support.

Mga Kaugnay na Article