Netflix Error CM:1852797029;

Posibleng makuha mo ang isa sa mga error na ito sa iPhone, iPad, o Apple TV mo.

Hindi ma-play ang title. Pakisubukan ulit mamaya.
(CM:1852797029;)

Nagkaproblema habang pine-play ang item na ito. Subukan ulit sa ibang pagkakataon o pumili ng ibang item.
Hindi ma-play ang title. Pakisubukan ulit mamaya. Code: 1852797029

Nangyayari ang error na ito kapag may problema sa data na naka-store sa device mo na pumipigil sa pag-play ng Netflix.

Para ayusin ang problema, sundin ang steps para sa device mo.

I-restart ang iPhone o iPad mo
  1. Pindutin nang matagal ang button sa gilid at ang isa sa mga volume button nang sabay hanggang sa makita ang mga slider. I-drag ang pinakaitaas na slider para i-off nang tuluyan ang device mo.

    • Kung walang nakikitang slider, pindutin nang matagal ang Sleep/Wake button hanggang sa makita ang pulang slider, pagkatapos ay i-drag ang slider.

  2. Pagkatapos ng 10 segundo, pindutin ang Sleep/Wake button.

  3. Kapag nag-power on ang device mo, subukan ulit ang Netflix.

I-restart ang Apple TV mo
  1. Pindutin at i-hold ang Menu button sa remote ng Apple TV hanggang sa bumalik ka sa home screen.

  2. Piliin ang Settings > System > I-restart.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Kung gumana ang steps at mangyari ulit ang error sa ibang pagkakataon, makipag-ugnayan sa Apple support para sa tulong sa pag-ayos ng problema sa audio sa device mo.

Kung hindi gumana ang steps, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article