Wild Things: Animal Adventures - Mga Tanong sa Gameplay

Na-stuck ka ba sa kahit saan sa laro? Iniisip mo ba kung paano gumagana ang isang bagay? May mga tanong ka ba tungkol sa settings sa laro? Heto ang mga sagot sa mga karaniwang tanong sa gameplay.

Posibleng may mga spoiler sa ibaba.

Pag-customize sa Settings
Sa home screen, sa kaliwang sulok sa ibaba, i-tap ang gear .

Tandaan:Puwede mo ring baguhin ang ilang settings ng game habang nilalaro ang mga Match-3 level sa pamamagitan ng pag-tap sa gear sa kanang sulok sa ibaba.

  • Mga Setting

    • Tilt View
      Naita-toggle sa on/off at binabago nang bahagya ang view kapag itinatagilid mo ang device mo.

    • Vibration
      Naita-toggle sa on/off ang haptic feedback (mga vibration) habang nilalaro ang game.

    • Mga Hint
      Naita-toggle sa on/off ang mga hint kung aling mga piece ang ima-match habang naglalaro.

    • Sound
      Naita-toggle sa on/off ang sound effects sa game.

    • Music
      Naita-toggle sa on/off ang music sa game.

    • Mga Notification
      Naita-toggle sa on/off ang mga notification ng game na ipinapadala habang hindi ka naglalaro.

    • Support
      Kung ita-tap mo ang Support mapupunta ka sa article na Wild Things: Animal Adventures - Game Support.

  • Profile
    Sa screen ng Mga Setting, i-tap ang person icon para palitan ang game profile mo.

    • Baguhin ang Pangalan
      Palitan ang pangalan ng player mo.

    • Palitan ang Icon ng Player
      I-tap ang isa sa mga icon ng character para palitan ang icon ng player mo.

  • Colorblind Settings
    Sa screen ng Mga Setting, i-tap ang eye icon para baguhin ang Colorblind Settings.

    • Protanopia
      I-tap para I-enable o I-disable ang Protanopia colorblind setting.

    • Tritanopia
      I-tap para I-enable o I-disable ang Tritanopia colorblind setting.

  • The Story
    Ang story ngWild Things ay inilalahad sa 18 chapter. Kumpletuhin ang bawat Match-3 level ng isang chapter para mag-earn ng mga Magic Leaf at Gold Coin. Puwede mong i-replay ang isang single level kahit ilang beses na kailangan para manalo. Gamitin ang mga Magic Leaf na na-earn mo para kumpletuhin ang mga story task sa journal ng player at makausad sa bawat chapter.

    Kapag ni-launch, ang unang 6 na chapter lang ang magiging available para laruin. Tuwing ikaanim na linggo, isang bagong set ng mga chapter ang ire-release.

  • Mga Item
    Habang naglalaro ka, makakakita ka ng ilang kapaki-pakinabang at unique na item na makakatulong sa journey mo.

  • Mga Magic Leaf
    Manalo ng mga Magic Leaf sa pamamagitan ng pagkumpleto sa mga Match-3 level. Gamitin ito sa mga task para makausad ka sa story. Iba't iba ang halaga ng leaf sa bawat task, at mas mataas ang halaga ng ilang leaf kaysa sa iba.

  • Mga Gold Coin
    May iba't ibang paraan para mag-earn ng mga Gold Coin. Ang pinakamadaling paraan ay kumpletuhin ang mga Match-3 level. Puwede mong gamitin ang mga Gold Coin sa mga pre-game booster at in-game powerup.

  • Mga Pre-Game Booster
    Bago magsimula ang isang Match-3 level, puwede kang bumili ng mga pre-game booster gamit ang mga Gold Coin na na-earn mo. Naa-unlock ang mga booster na ito habang nilalaro ang game. I-tap ang mga booster para makita kung sa anong level maa-unlock ang mga ito.

  • Mga In-Game Powerup
    Habang nilalaro ang isang Match-3 level, may mga in-game powerup na puwedeng ma-earn o mabili gamit ang mga Gold Coin. Puwede kang mag-earn ng mga in-game powerup sa pamamagitan ng pagkumpleto sa mga chapter at task sa game world, o paggamit ng mga Gold Coin para bilhin ang mga ito sa Match-3 level mismo. Naa-unlock ang mga booster na ito habang nilalaro ang game. I-tap ang mga powerup para makita kung sa anong level maa-unlock ang mga ito.

The Wild Things
Ang Wild Things ay isang grupo ng mga hayop na dating magbe-bestfriend. Dahil sa sobrang industrialization ng Wildlands at distractions ng social media, medyo nagbago ang mga priyoridad nila. Gawin ang best mo para pagkaisahin ulit ang magkakaibigan at ire-reward ka nila ng animal powers at pagkakaibigan na tutulong sa misyon mong ibalik sa dati ang Wildlands at ang samahan dito.

  • Liam
    Isang makulit na batang leon na pinapangarap ang masasayang nakaraan - medyo napapasobra lang siguro. Leon na may sikreto. Siya kaya ang dahilan ng sakuna? Malalaman ang totoo sa Wild Things.

  • Emma
    Isang mabuting kaibigan at tapat na fan. Kung minsan, masyadong ipinipilit ni Emma ang mga gusto at hindi niya gusto. Si Emma ay isang mapagmahal na elepante. Gusto niyang malaman ang katotohanan, at matutulungan mo siyang mahanap ito.

  • Arvind
    Gustong-gustong maghukay ni Arvind, maghanap ng historical artifacts, at bumuo ng mga teorya. Pero sa paghuhukay lang siya magaling. Gustong-gustong tumuklas ni Arvind ng mga conspiracy. May iba pa kaya siyang matutuklasan?

  • Zelda
    Kung saan may party, nandoon si Zelda. Ang tanong lang, gusto ba ng iba na nandoon siya? Gusto lang naman ni Zelda na bumida sa party. Malalaman niya sa Wild Things ang kahulugan ng tunay na pagkakaibigan.

  • Rachel
    Kung may bundok na kailangang akyatin, malamang na dudurugin ito ni Rachel. Naghahanda si Rachel sa Pan Animal games at wala na siyang ginagawa kundi magsanay. Mapapangatawanan kaya niya ang trick na iyon na magpapanalo sa kanya ng gold? Kung minsan, kailangan mong tulungan ang iba para matulungan mo ang sarili mo.

  • Clay
    Kontentong namumuhay si Clay sa Croc Lagoon niya sa halos buong buhay niya. Hindi pa natatagalan, may misteryosong pangyayari na bumago sa magandang ugali ni Clay. Naging obsessed siya sa paghahanap sa nakatagong Ghost Treasure. Ang problema lang, walang naniniwala sa mga ghost, tama? Tama? Kailangan pang kumbinsihin ang ibang mga hayop, pero gaya ng sabi nila, to see is to believe.

Sa loob ng game, may iba't ibang event. Maa-unlock ang bawat event sa mahalagang bahagi ng story.

  • Spirit Chest
    Kumpletuhin ang mga Match-3 level para ma-unlock ang mga reward!
    Naa-unlock sa Chapter 1

  • Lost Lore
    Manalo sa mga Match-3 level para mabawi ang mga aklat para sa Library ni Lorikeet. Mas maraming mababawing aklat kung mananalo ka sa mas kaunting attempt.
    Naa-unlock pagkatapos ng Chapter 4

  • Skeets Mad Dash
    Manalo nang sunud-sunod sa mga Match-3 level sa una mong attempt para mag-earn ng mga bonus sa level start. Patuloy na manalo para hindi mawala ang streak mo! Kung matatalo ka sa isang level, maiwawala mo ang winning streak mo at kailangang mong magsimula ulit sa ilalim.
    Naa-unlock pagkatapos ng Chapter 7

  • Slow and Steady
    Manalo nang sunud-sunod sa mga Match-3 level sa una mong attempt para mag-earn ng mga bonus sa level start. Patuloy na manalo para makarating ka sa mga checkpoint at mapanatili ang streak mo! Kung matatalo ka sa isang level, babalik ka sa naunang checkpoint.
    Naa-unlock pagkatapos ng Chapter 8

  • Shatterhorn Summit
    Manalo sa mga Match-3 level para mag-earn ng points, mas kakaunting attempt, mas maraming points ang mae-earn mo!
    Naa-unlock pagkatapos ng Chapter 11

  • Keys & Locks
    Manalo sa mga Match-3 level para mag-earn ng keys. Gamitin ang keys para mag-unlock ng mga chest at mag-earn ng rewards!
    Naa-unlock pagkatapos ng Chapter 18

Gusto mo bang alamin pa ang Wild Things: Animal Adventures? Pumunta sa Game Support page.

Mga Kaugnay na Article