Nailed It! Baking Bash - Mga Tanong sa Gameplay

Na-stuck ka ba sa kahit saan sa laro? Iniisip mo ba kung paano gumagana ang isang bagay? May mga tanong ka ba tungkol sa settings sa laro? Heto ang mga sagot sa mga karaniwang tanong sa gameplay.

Posibleng may mga spoiler sa ibaba.

Sa kaliwang sulok sa itaas, i-tap SETTINGS .

Settings

  • Music & Sound Effects
    Gamitin ang sliders para i-adjust lakas ng volume ng music at audio.

  • Language
    Automatic na magiging kapareho ng wika ng game ang settings sa wika ng Netflix profile mo. Palitan ang wika mo sa pamamagitan ng pag-tap sa LANGUAGE at pagpili ng iba.

  • Help
    Kapag nag-tap ka sa HELP, mapupunta ka sa article na Nailed It! Baking Bash - Game Support.

  • Reset Tutorials
    Kapag na-tap ang RESET TUTORIALS, malalaro mo ulit ang tutorial steps. Hindi magre-reset ang iba mo pang nagawa sa game.

Maglaro kasama ng mga Kaibigan
Ang Paglalaro kasama ng mga Kaibigan ang pinakamahalagang bahagi ng Nailed It! Baking Bash. Makipagtagisan sa mga kaibigan at pagbotohan ang mga cake ng isa't isa para malaman kung sino ang winner. Minimum na dalawa at maximum na anim na player ang puwedeng maglaro sa multiplayer game.

  • Pag-host ng game
    Kapag gusto mong magsimula ng multiplayer game, i-tap ang HOST A GAME, pagkatapos ay i-share ang ROOMCODE sa mga player na gusto mong i-invite. Puwede mo ring i-tap ang share icon sa tabi ng ROOMCODE para buksan ang mga option sa pag-share ng device mo.

  • Pagpili ng playmode
    Bilang host, pagkatapos i-tap ang HOST A GAME, puwede mong i-tap ang PLAYMODE para pumili sa dalawang multiplayer mode:

    • CLASSIC: Subukang gayahin ang halimbawang cake hangga't kaya mo, tulad ng sa show!

    • FREEFORM: Gumawa ng cake batay sa theme. Walang halimbawa o partikular na goal, hayaang maging gabay ang creativity mo.

  • Pagsali sa game
    Kung nagsimula na ng multiplayer game ang isa sa mga kaibigan mo, i-tap ang JOIN A GAME at ilagay ang ROOMCODE. I-tap ang PLAY para sumali sa game.

  • Pagawa ng avatar
    Bago magsimula ang isang multiplayer game, makakapagdisenyo ang lahat ng sarili nilang avatar. Una, pipili ka ng base shape, tapos, i-tap ang DECORATE AVATAR para maglagay ng mga item sa base shape mo na available sa mga tray (i-tap ang mga arrow button para lumipat ng tray). Kapag tapos na, i-slide ang arrow button sa screen para i-confirm ang mga napili mo, tapos, ilagay ang pangalan mo at piliin ang CONFIRM.

    • Mga naka-lock na item
      May locked icon ang ilang item sa paggawa ng avatar. Para i-unlock ang mga iyon, gumawa ng mga cake sa Backstage Baking single-player mode at i-share sa iba ang mga nagawa mo.

    • Pagsisimula ng game
      Kung ikaw ang host, masisimulan mo ang game kapag handa na ang lahat ng player at nagawa na nila ang avatar nila.

  • Pagboto at ang winner
    Sa dulo ng bawat multiplayer game, pagbobotohan ninyo ng mga kaibigan mo ang mga cake ng isa't isa. I-drag ang bronze, silver, at gold scores sa mga cake ayon sa palagay mo. Ang player na may pinakamalaking combined points ang mananalo sa game. Kung may tie, sina Jacques at Nicole ang magpapasya sa winner.

  • Intermission
    Sa pagitan ng mga minigame, ikaw at ang mga kaibigan mo ay bibigyan ng rating batay sa inyong performance. May ilang paraan para mabigyan ng rating, mula sa blind taste tests ni Jacques hanggang sa kung sino ang pinakamabilis na to who was the most speedy baker.

  • Mga Distraction
    Kapag may napili nang winner, bibigyan siya ng distraction. Hindi mo kailangang gamitin ang distraction, pero kapag ginamit mo ang distraction, magiging mas mahirap para sa mga player mo ang susunod na minigame.


Backstage Baking
Ang Backstage Baking ay single player experience kung saan puwede kang hindi magmadali para i-perfect ang baking skills mo. Subukan ang lahat ng cake sa bilis na gusto mo at alamin kung gaano ka-perfect --o kakaiba-- ang kaya mo. Hindi kailangang perfect, kaya maging creative!

  • Pumili ng bansa
    Makakapagpalipat-lipat ka sa iba't iba bansa sa pamamagitan ng pag-tap sa mga arrow button. I-tap ang LET'S PLAY! para pumasok sa bansa.

  • Pumili ng cake
    Makakapagpalipat-lipat ka sa mga cake sa pamamagitan ng pag-tap sa mga arrow button. I-tap ang LET'S PLAY para maglaro ng cake.

  • I-share ang nagawa mo
    Pagkatapos sa cake, puwede mong i-share ang nagawa mo sa mga kaibigan mo sa pamamagitan ng pag-tap sa SHARE! Ipagmalaki ang mga cake mo at hamunin ang iba na higitan ang masterpiece mo!


Habang nilalaro ang Backstage Baking single-player mode, makakapag-unlock ka ng decoration items na magagamit para gawin ang avatar mo sa Play with Friends multiplayer mode.

May dalawang unlockable sa bawat cake:

  1. Makukuha ang una kapag natapos ang cake sa unang pagkakataon.

  2. Makukuha ang pangalawa kapag na-share mo ang nagawa mo.

Sa Nailed It! Baking Bash, gagawa ka ng mga cake sa pamamagitan ng paglalaro ng ilang minigame. Kumakatawan ang bawat minigame sa isang yugto sa proseso ng pag-bake. Bago magsisimula ang minigame, makakakuha ka ng paalala sa kung ano ang kailangan mong gawin sa minigame na iyon.

  • Sculpt
    Hulmahin ang model gamit ang daliri mo. Sa bawat pag-swipe, may maaalis na piraso ng modeling chocolate. Subukang gayahin ang halimbawa o maging creative at gawin ang hugis na gusto mo.

  • Baligtad na sculpt
    Hulmahin ang model gamit ang daliri mo. Sa bawat pag-swipe, may madaragdag na piraso sa modeling chocolate. Subukang gayahin ang halimbawa o maging creative at gawin ang hugis na gusto mo.

  • Cake painting
    Kulayan ang sculpt mo sa pamamagitan ng pag-swipe ng daliri mo sa sculpt. Pumili ng iba't ibang food coloring sa pamamagitan ng pag-tap sa mga coloring bucket.

  • I-bake ang mga layer
    Paghaluin ang ingredients mula sa shelf para tumugma sa recipe sa itaas ng screen. Huwag hayaang mapunta sa batter ang packaging!

  • Paghahalo ng mga kulay
    Paghaluin ang mga tamang kulay sa shelf para tumugma sa mga kulay sa itaas ng screen. Huwag hayaang mapunta sa icing mix mo ang mga bote ng food coloring.

  • Mag-decorate
    Kumuha ng mga item sa conveyer belt at ilagay ang mga iyon sa cake mo. Subukang gayahin ang halimbawa o i-design ang cake na gusto mo.

  • Mag-decorate (sa pamamagitan ng fork flicking)
    Pihitin ang mga tinidor sa pamamagitan ng pag-swipe ng daliri mo sa mga ito. Bitawan para mag-flick ng mga item sa cake mo. Ipi-preview sa screen ang trajectory ng item na ifi-flick mo. Subukang gayahin ang halimbawa o maging creative at i-design ang cake na gusto mo.

    Kung ayaw mo ang kahit anong item na nasa mga tinidor, puwede mong i-flick ang item sa recycle bin para palitan ang mga item sa tinidor.

  • Paghihiwa ng fondant
    Hiwain ang sobrang fondant sa pamamagitan ng pag-swipe ng daliri mo sa fondant. Subukang gayahin ang halimbawa o gawin ang anumang hugis na sa tingin mo ay pinakabagay sa cake mo.

  • Gumupit ng stencil at mag-spray
    Gumupit ng mga hugis sa pamamagitan ng pag-swipe ng daliri mo sa karton. Subukang gayahin ang halimbawa o gawin ang anumang hugis na gusto mong makita sa cake mo.

    Kapag nagupit na ang mga pattern mo, makakapag-spray ka na ng food coloring. Piliin ang kulay na gusto mo at i-swipe ang daliri mo sa stencil to spray.

  • Pag-stack ng mga layer
    Para i-stack ang iba't ibang layer ng cake, i-tap ang screen para mag-drop ng layer. Siguraduhing ipantay nang maayos ang mga ito, o baka mahulog ang mga ito.

    Sa ilang pag-bake, kailangan mo ring maglagay ng buttercream sa mga layer ng cake para dumikit ang mga ito. Para maglagay ng buttercream, i-swipe ang daliri mo sa cake kung saan mo gustong maglagay ng buttercream.

  • Mag-carve at mag-stack
    I-carve ang mga bloke ng cake sa pamamagitan ng pagguhit dito ng linya gamit ang daliri mo. Subukang gayahin ang hugis ng outline o gawin ang gusto mong hugis ng cake. Siguraduhing maayos na mahihiwa ang mga piraso ng cake para mapagpatong-patong ang mga ito.

  • Mag-carve at mag-collect
    I-carve ang mga bloke ng cake sa pamamagitan ng pagguhit dito ng linya gamit ang daliri mo. Siguraduhing masasalo mo ang mga piraso ng cake sa lata.

  • Gumawa ng cookie
    Hulmahin ang cookie dough sa pamamagitan ng pag-swipe ng daliri mo rito. I-slide ang CONTINUE button para pumunta sa susunod na stage.

    Kulayan ang cookie sa pamamagitan ng pag-swipe ng daliri mo rito. Pumili ng iba't ibang food coloring sa pamamagitan ng pag-tap sa iba't ibang piping bag.

  • Modeling
    I-drag ang daliri mo sa dough para hulmahin ito. Subukang gayahin ang halimbawa o gawin ang gusto mo.

  • Modeling connecting
    I-drag ang mga item sa isa't isa para pagdikitin ang mga ito. Puwede mong paghiwalayin ang mga bagay na pinagdikit mo kahit kailan sa pamamagitan ng paghatak sa mga ito. Subukang gayahin ang halimbawa o gumawa ng bagay na gusto mo gamit ang mga ibinigay na bahagi.

Gusto mo bang alamin pa ang Nailed It! Baking Bash? Pumunta sa Game Support page.

Mga Kaugnay na Article