Mag-report ng mga isyu sa ad o mag-share ng feedback
Kung may mapansin kang isyu habang nanonood ng ad sa Netflix, puwede mo itong direktang i-report gamit ang tool na Mag-report ng Problema sa Netflix app sa Android phone o tablet, iPhone, iPad, Apple TV, o Windows 10 at mas bago; o sa Netflix.com gamit ang web browser sa computer. Kapag nag-report ng problema, ino-notify ang mga content team namin na tingnan ang isyu at ayusin ito kaagad.
Puwede mong gamitin ang tool na Mag-report ng Problema para i-report ang alinman sa mga isyung ito sa ad:
Mga isyu sa video quality ng ad.
Mga isyu sa audio quality o volume ng ad.
Mga isyu kung saan o kailan ipinakita ang ad.
Hindi nagpe-play ang ad sa gusto mong wika.
Napakaraming beses na umuulit ang ad.
May di-angkop na content ang ad.
Paano mag-report ng mga isyu sa ad
Kung may ipinalabas na ad na sa tingin mo ay hindi mo dapat makita, o gusto mong mag-report ng problema sa device na walang tool na Mag-report ng Problema, makipag-ugnayan sa amin para sa iba pang tulong.