Netflix Error D7111-1331

Puwedeng magkaroon ng ganitong error code sa browser mo kung:

  • May problema sa settings ng browser mo na pumigil sa pag-play ng Netflix.

  • Hindi supported sa Netflix plan mo ngayon ang panonood sa web browser.

Para ayusin ang problema, piliin ang error message na nakikita mo, pagkatapos ay sundin ang steps.

Ang ibig sabihin ng error message na ito ay may setting sa browser mo na pumigil sa pag-play ng Netflix.

Kung karaniwan kang gumagamit ng bookmark para pumunta sa Netflix, subukan na lang na i-type ang www.netflix.com sa address bar ng browser mo. Kung naayos nito ang problema mo, gawing www.netflix.com ang URL ng bookmark mo para maiwasan ang mga problema sa hinaharap.

Puwedeng dulot ang error na ito ng isa o higit pang Add-on o extension sa Edge na hindi gumagana sa Netflix.

  1. Sa kanang sulok sa itaas ng browser mo, i-click ang Extensions icon.

  2. I-click ang Manage Extensions.

  3. I-off ang lahat ng naka-install na extension, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

Kung maaayos ng steps na ito ang problema, puwede mong paisa-isang i-on ang mga extension mo para malaman kung alin ang pumipigil sa pag-play ng Netflix.

Ang ibig sabihin ng error message na ito ay ipinapahintulot ng Netflix plan mo ngayon ang panonood lang sa mobile phone o tablet.

Para makapanood ng Netflix sa web browser, kakailanganin mong pumili ng ibang Netflix plan.

Mga Kaugnay na Article