Too Hot to Handle: Love Is a Game - Mga Tanong sa Gameplay
Na-stuck ka ba sa kahit saan sa laro? Iniisip mo ba kung paano gumagana ang isang bagay? May mga tanong ka ba tungkol sa settings sa laro? Heto ang mga sagot sa mga karaniwang tanong sa gameplay.
Posibleng may mga spoiler sa ibaba.
Puwede ka ring makahanap ng mga karaniwang tanong sa gameplay sa mismong game. Habang nasa game, i-tap ang Settings > Tutorials para sa list ng mga available na topic sa kung paano ito laruin.
Palitan ang hitsura at pangalan ng avatar
Piliin ang body type, skin color, pangalan, at pronouns mo sa Avatar Creation screen sa simula ng game. Kapag napili na, hindi na mapapalitan sa playthrough na iyon ang avatar at pangalan mo. Kung gusto mong palitan ang mga ito, i-restart ang game sa pamamagitan ng pagpili sa Seasons tab at pag-tap sa Restart Season button.
Kapag na-tap ang Restart Season button, made-delete ang lahat ng nagawa mo hanggang sa ngayon!
Magpalit ng buhok, outfit, o accessories
Puwedeng madalas na palitan ang buhok, outfit, at accessories mo habang naglalaro. Para palitan ang mga ito kahit kailan, pumunta sa personal look book mo. Mag-click sa profile card mo sa SEASON 1 CAST section ng Home tab at piliin ang customize icon sa kanang sulok sa itaas. Pagkatapos i-confirm at i-save ang look mo, kaagad itong makikita sa game.
Baguhin ang personality stats
Hindi tulad ng hitsura mo, hindi mo kailangang piliin ang personality type mo sa simula ng game. Ikaw ang bahala kung gusto mong maging Sweet, Naughty, Agreeable, o halu-halo! Tataas ang isang personality stat kapag pinili mo ang mga option na may stat na gusto mong pataasin.
Mga emoji sa pangalan ng castmate
Ang mga emoji sa tabi ng mga pangalan ng mga castmate ay ang nangingibabaw nilang personality type: Sweet, Agreeable, o Naughty
Pag-filter sa potential love interests
Puwedeng i-romance ang lahat ng love interest, anuman ang kanilang kasarian. Sa game, piliin ang mga romantic na option sa (mga) castmate na gusto mong mas makilala.
Relationship meter
Ipinapakita ng relationship meter kung gaano mo ka-close ang mga kapwa castmate mo. Maipapakita nito ang romantic status mo sa love interest mo, o ang friendship status mo sa mga castmate na hindi puwedeng i-romance.
Pagandahin ang mga relasyon sa iba pang castmate
Puwede mong mas maka-close ang iba pang castmate sa pamamagitan ng pagpili sa mga partikular na option sa game. Tataas ang relationship meter mo sa ilan, habang hindi naman sa iba pa. Hindi puwedeng mawala ang points na nakuha mo na.
Lana
Si Lana ay isang voice-interactive AI device na nagbabantay sa mga castmate, nagbibigay sa iyo ng directions sa buong retreat, at nagtutulak sa iyo na maging tapat kapag nagkamali ka para mag-encourage ng mas malalalim na koneksyong hindi natatapos sa hitsura.
Paglabag sa rule
Palaging nagbabantay si Lana. Kung may lalabagin kang rule, may ibabawas na pera sa shared prize fund. May exclamation mark sa tabi ng mga ito ang mga option sa game na lalabag sa rule. Kung gusto mong maging makulit, siguraduhing handa kang magbayad!
Pag-earn ng pera
Kahit na lumabag ka sa ilan sa mga rule, posibleng may dumating na pagkakataon para makabawi. Kung papasa ka sa final at pinakamahirap na test ni Lana, baka ibalik niya sa prize fund ang ilan sa nawalang perang iyon! Abangan ang mga pagkakataong iyon!
Magpalit ng outfit o hairstyle para sa date
Puwedeng ganap na i-customize ang hairstyle at outfit mo bago ang date mo. Puwede mo nga ring i-style ang ka-date mo. Ang mga gagawin mong pagbabago ay pansamantala at sa date lang makikita, kaya huwag mag-atubili rito!
Paano malalaman kung kumusta ang date
Kapag nagsimula na ang date, madaragdagan ng hearts ang date meter kapag mga tamang option ang napili. Ang love points sa date meter ay idaragdag sa relationship meter mo pagkatapos ng date, kaya lubusin ang pagkakataong ito para maging mas close pa sa isa sa mga castmate mo!
Naging green ang orasan mo
Kung sa palagay ni Lana ay bumubuo ka ng makabuluhang relasyon kasama ng isa sa mga castmate mo, baka gawin niyang green ang mga ilaw sa mga orasan ninyo. Kung mangyayari iyon, io-off ang lahat ng rule, at wala nang sex ban. Siguraduhing lulubusin mo ang pagkakataong mag-enjoy!
Lumalabas ulit ang mga tapos nang achievement
May ilang achievement kung saan may kailangan kang gawing partikular na pagkilos nang ilang beses para matapos. Tingnan ang Achievements tab, kung saan may mahigit sa isang trophy icon sa ilalim ang mga achievement na may maraming yugto. Kapag mas marami ang mga achievement, mas malaki ang reward – kaya i-collect ang mga trophy na iyon!
Pag-earn ng in-game currency
Puwedeng ma-earn ang in-game currency, o Charisma, sa pamamagitan ng paglalaro sa game at pag-collect ng mga achievement. Sa tuwing may matatapos na achievement, isang stage man o ang buong achievement, bibigyan ka ng Charisma points. Regular na tingnan ang Achievements tab mo para ma-collect ang Charisma points mo. Makikita ang dami ng Charisma points na na-earn mo sa kanang sulok sa itaas ng Achievements tab. Gumamit ng Charisma para mag-unlock ng bonus story content.
Bonus content
Maa-access ang bonus content sa cast profile cards sa SEASON 1 CAST section ng Home tab. Mag-tap sa isa sa profile cards, tapos, i-tap ang Bonus Scenes button sa ibaba ng card. Naa-unlock ang mga ito habang umuusad ka sa game at mabibili ang mga ito gamit ang Charisma points. Makakuha ng Charisma points sa pamamagitan ng pag-collect ng mga achievement at mag-enjoy sa behind-the-scenes looks sa mga paborito mong castmate!
Pag-restart ng chapter
Kung gusto mong mag-restart ng chapter, i-tap ang Seasons tab, tapos, i-tap ang Restart Season button.
Kapag na-tap ang Restart Season, made-delete ang lahat ng nagawa mo sa story hanggang sa ngayon, kasama ang na-customize mong hitsura, at relationship status kasama ng iyong mga castmate.
Pag-skip sa content na dati nang nabasa
Kapag natapos mo na hanggang sa dulo ang isang season, magagamit mo ang skip feature para mabilis na mag-access ng hindi pa nababasang content, gawin ang ilan sa iba pang ending sa game, o balikan lang ang mga paborito mong sandali. Mag-tap at mag-hold kahit saan sa screen para mag-fast forward. Automatic na hihinto ang skip feature sa lahat ng pagpili, date, at kahit na party, para may sapat kang information para mapili ang tamang option.
Choice summary % sa CHAPTER RECAP screen
Ipinapakita ng % sign sa tabi ng bawat option ang porsyento ng mga player na pumili ng partikular na sagot. Ang kulay green na sagot ang napili mo. Tingnan ang iba pang porsyento para makumpara sa iba pang player ang mga napili mo.
Gusto mo bang alamin pa ang Too Hot to Handle: Love Is a Game? Puntahan ang Game Support page.