I-manage ang Access at Mga Device

Ipinapakita sa iyo ng page na I-manage ang Access at Mga Device ang mga detalye tungkol sa mga naka-sign in na deivice na kasalukuyang active sa account. Magagamit mo rin ito para mag-sign out sa mga device na ito.

Posibleng tumagal nang 48 oras bago makita ang mga device sa page na ito, hindi ipapakita ang lahat ng device na naka-sign in sa account, at puwedeng hindi kumpletong impormasyon ang ipapakita para sa lahat ng device. Halimbawa, hindi ipapakita ng page ang mga device na hindi naging active sa loob ng 90 araw, na ginamit lang para maglaro ng Netflix games, o ginamit lang ito para ma-access ang Tudum.

Makikitang Impormasyon

  • Device: Ang mga device na naka-sign in sa Netflix. Ipinapakita ng label na "Kasalukuyang Device" kung sa aling device mo kasalukuyang tinitingnan ang page. Ipinapakita ng mga icon ang uri ng device: TV, computer, phone, game console, atbp.

  • Mga Profile: Ang profile na may pinakabagong activity sa panonood sa device na iyon. Hindi namin ipapakita ang isang profile kung walang bagong activity sa panonood ang device

  • Oras: Ipapakita ang petsa at oras ng pinakabagong activity sa device na ito. Hindi namin ito ipapakita kung walang bagong activity sa device.

Kung may nakikita kang mga hindi kilalang device na nakalista sa page, tingnan ang Paano panatilihing secure ang account mo.

Mga Kaugnay na Article