Iisang pelikula o TV show ang nagpe-play kapag pumupunta ako sa Netflix.com

Kung iisang pelikula o episode ng TV show ang nagpe-play tuwing pumupunta ka sa Netflix.com gamit ang computer mo, posibleng gumagamit ka ng bookmark o favorite na nagli-link sa isang page sa website ng Netflix na automatic na nagpe-play ng isang partikular na title. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang isyu.

I-clear ang cookie ng Netflix
  1. Pumunta sa netflix.com/clearcookies. Isa-sign out ka nito sa account mo.

  2. Piliin ang Mag-sign in at ilagay ang email at password mo sa Netflix.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article