Netflix Error 17377

Nagkaproblema habang pine-play ang item na ito. Subukan ulit sa ibang pagkakataon o pumili ng ibang item.
Hindi ma-play ang title. Pakisubukan ulit sa ibang pagkakataon. Code:-17377

Nangyayari ang error na ito kapag may problema sa data na naka-store sa device mo na pumipigil sa pag-play ng Netflix.

Para ayusin ang problema:

  1. Buksan ang App Store app.

  2. Sa itaas ng screen, piliin ang Purchased.

  3. Sa kaliwa, piliin ang All Apps.

  4. Sa listahan ng apps, hanapin at piliin ang Netflix.

  5. Kung available, piliin ang Update. Kung hindi mo nakikita ang option na ito, up to date na ang Apple TV mo

  6. Subukan ulit ang Netflix.

  1. I-off ang device mo.

    Paalala:Kung hindi ka sigurado kung naka-off na nang tuluyan ang device mo, o kung wala kang makitang power button, bunutin sa saksakan ang power cable.

  2. Hayaang naka-off nang kahit 30 segundo ang device mo.

  3. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

  1. Pumunta sa home screen, at piliin ang Settings.

  2. Piliin ang System > Software Updates > Update Software.

  3. Kung available, piliin ang I-download at I-install.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article