Paano i-adjust ang animation effects ng Netflix sa TV mo
Makokontrol mo ang animation effects na nakikita habang nagba-browse sa Netflix sa TV mo para sa bawat profile sa account mo.
Gamit ang browser, pumunta sa Account page mo.
Piliin ang Mga Profile, at pumili ng profile.
I-check ang Bawasan ang animation effects habang nagna-navigate sa TV.
Para makita ang animation effects, i-uncheck ang kahon.
Tandaan:Naka-enable ang animation effects bilang default at hindi available sa ilang TV device.
Baka kailangan mong i-reload o i-refresh ang device mo para makuha ang updated settings.
Para i-reload:
Pumunta sa home screen ng Netflix, at pumunta sa kaliwa para buksan ang menu.
Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulong > I-reload ang Netflix.
Para i-refresh:
Lumipat sa ibang profile, pagkatapos ay bumalik.
O kaya, mag-sign out sa device mo at mag-sign in ulit.