Vineyard Valley - Mga Tanong sa Gameplay

Na-stuck ka ba sa kahit saan sa laro? Iniisip mo ba kung paano gumagana ang isang bagay? May mga tanong ka ba tungkol sa settings sa laro? Heto ang mga sagot sa mga karaniwang tanong sa gameplay.

Posibleng may mga spoiler sa ibaba.

Paano hanapin angPlayer ID
mo
Sa kanang sulok sa itaas, i-tap ang Settings. Lalabas ang Player ID mo sa ibaba ng menu. Makikita rin ito kapag nagla-launch ng game sa kaliwang sulok sa ibaba.

Paano i-force quit ang app

Android phone o tablet:

  1. I-tap ang square icon sa tabi ng Home button.

  2. Mag-swipe pataas sa preview ng Vineyard Valley app para isara ito.

iPhone, iPad, o iPod touch:

  1. Mag-swipe pataas mula sa ibaba ng screen at mag-pause para ipakita ang mga kasalukuyang bukas na app.

    • Para sa mga device na may Home button, pindutin ito nang dalawang beses nang mabilis.

  2. Mag-swipe pakaliwa o pakanan hanggang makita mo ang Vineyard Valley app.

  3. Mag-swipe pataas sa preview ng Vineyard Valley app para isara ito.

Paano mag-on at mag-off ng mga notification ng game

  1. Sa kanang sulok sa itaas, i-tap ang Settings.

  2. I-tap ang Notifications para i-on o i-off ito.

    Kung nakakatanggap ka pa rin ng mga notification pagkatapos i-off ang mga ito sa game, sundin ang steps sa Paano mag-on o mag-off ng mga notification ng game mula sa settings ng device mo.

Ang ibig sabihin ng mga message na "Dina-download ang Assets" o "Dina-download ang Data"
Kung nakikita mo ang isa sa message na ito, siguraduhing nakakonekta ka sa malakas at stable na internet connection para ma-download ang mga file na kailangan para patuloy na malaro ang susunod na task. Inirerekomendang panatilihing active ang game hanggang mawala ang message para ganap na ma-download ang mga file sa device mo. Siguraduhing hindi ka nagda-download ng ibang file sa background (tulad ng ibang app update), na maaaring magpabagal sa connection mo.

Black screen kapag tinitingnan ang map
Karaniwang nangyayari ito kapag hindi pa ganap na na-download ang mga file at kailangan pa ng game ng oras para i-load ang map. Puwede rin itong mangyari kung kaka-clear mo lang sa cache mo, nag-reinstall ang app, o lumipat mula sa offline mode. Kung magpapatuloy ang isyu na ito, panatilihing active ang game nang kahit 10 minuto para ganap na ma-download ang mga file sa device mo.

  • Bago ka magsimulang maglaro ng level, ipapakita ang mga goal sa kaliwang bahagi ng screen mo. Tapusin ang lahat ng goal para matalo ang level.

  • Puwede kang pumili ng mga booster bago i-tap ang maglaro. Makikita ang mga ito sa random na block sa simula ng level.

  • Kapag nagsimula ka na ng level, i-match ang dalawa o higit pang block na may parehong kulay para i-clear ang mga ito.

  • Magkakaroon ng ibang effect ang pag-clear ng mga block sa tabi ng mga obstacle depende sa obstacle.

  • May limitadong moves ka para sa bawat level. Siguraduhing hindi ka mauubusan ng moves!

  • Ipagsama ang mga block na may parehong kulay para gumawa ng mga power-up. Ipagsama ang isa o higit pang boost para gumawa ng super-powerful na effect.

  • Sa bawat level na mananalo ka, makakakuha ka ng mga star na ginagamit para isaayos ang Tangled Vines at kumpletuhin ang mga chapter para mag-progress sa story.


Mga Star
Ginagamit ang mga star para kumpletuhin ang mga task habang naglalaro sa mga chapter ng story at nagsasaayos ng mga dekorasyon sa pamamagitan ng Tangled Vines. Makakakuha ng mga star sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga may numero na level.

Paalala:Kung naabot mo na ang huling level sa game, makakakita ka ng mga Bonus level. Magbibigay ang mga Bonus level ng mga coin sa halip na mga star dahil naabot mo na ang dulo ng kasalukuyang available na content.

Mga Power-up
Kapag nag-tap ka sa malalaking grupo ng block, makakagawa ka ng mga kapaki-pakinabang na power-up na magagamit sa game board. Ito ang ilang halimbawa:

  • Mga Bottle Rocket: I-tap ang 5 o higit pang piraso sa isang grupo para gumawa ng Bottle Rocket. Depende sa kung saan ito nakaharap, makakatanggal ito ng buong row o column ng block kapag ginamit ito.

    Paalala:Random ang direksyon kung saan haharap ang Bottle Rocket.

  • Mga Barrel Bomb: I-tap ang 7 o higit pang piraso sa isang grupo para gumawa ng Barrel Bomb. Kapag nag-tap ka sa Barrel Bomb, maki-clear ito at ang mga nakapalibot na block sa isang mabulang pagsabog.

  • Mga Rainbow Token: I-tap ang 9 o higit pang magkakatabing piraso sa isang grupo para gumawa ng Rainbow Token. Kapag ginamit ito, masisira nito ang lahat ng block na isang partikular na kulay! Kapag nagsama ka ng dalawang Rainbow Token, maki-clear ang buong board.

  • Mga Switching Bottle Rocket: Tulad ito ng mga normal na Bottle Rocket, pero may isang pagkakaiba—bawat beses na gumawa ka ng kahit anong move, magbabago ang direksyon kung saan nakaharap ang mga Bottle Rocket.

Puwedeng ipagsama ang mga power-up na magkatabi para sa malalakas na resulta. Mag-tap sa iba't ibang kumbinasyon ng power-up para malaman kung anong magagawa mo!

Mga Booster

  • Mga booster sa game
    Gamitin ang mga ito para magkaroon ng mga benepisyo sa level:

    • Masisira ng mga Spoon ang alinmang iisang piraso sa board. Subukan mo na ito!

    • Tatanggalin ng mga Spatula ang isang column ng board para sa iyo.

    • Mahihiwa ng mga Pizza Cutter ang buong row mula sa board.

    • Magagamit ang mga Whisk para ilipat ang posisyon ng mga piraso sa board.

  • Mga booster bago ang game
    Gamitin ang mga ito bago magsimula ng level para punuin ang board ng mga power-up kapag nagsimula ka:

    • Mga Bottle Rocket

    • Mga Barrel Bomb

    • Rainbow Token

  • Mga timed na booster
    Subaybayan ang mga award na makukuha sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga chapter at ibang task, na magbibigay ng unlimited na booster para sa limitadong panahon.

Kumolekta ng mga karagdagang booster gamit ang ilang paraan:

  • Reward para sa pagkumpleto ng mga chapter at ibang task

  • Mga special offer sa store

  • Habang naglalaro ng isang level, bumili ng mga karagdagang booster gamit ang coins sa pamamagitan ng pag-tap sa mga ito

Coins
Coins ang pangunahing currency sa Vineyard Valley. Gamitin ito sa para bumili ng mga bagong dekorasyon, booster, o magdagdag pa ng mga move, kung hindi mo matapos ang isang level. Makakuha ng coins sa pamamagitan ng matagumpay na pagkumpleto sa mga level at bilang mga reward sa mga event.

Prestige
Ang Prestige ay system para sa pagsukat ng progress mo habang isinasaayos ang Tangled Vines, na nagbibigay sa iyo ng pagkakataong makakuha ng mga kakaibang reward. Makakuha ng prestige points sa pamamagitan ng pagbili ng mga dekorasyon, pagkumpleto sa mga challenge, at higit pa. Punuin ng prestige points ang prestige meter mo para mag-level up at makakuha ng reward. Tataas din ang prestige tier mo (Bronze, Silver, Gold, atbp.) kapag natapos mo ang mas matataas na level. Kapag mas mataas ang tier mo, mas maganda ang mga reward, tulad ng mga power-up.

Pag-unlock ng mga bagong area para i-decorate ang Tangled Vines
Kakailanganin mong dumaan sa bawat chapter at kumpletuhin ang mga task gamit ang mga star para mag-unlock ng mga bagong area para i-decorate ang Tangled Vines. Maa-unlock ang bagong area kapag natapos ang bawat chapter. Abangan ang mga bagong area na puwedeng i-decorate habang regular na naglalabas ng mga bagong chapter!

Paano mag-edit ng mga dekorasyon

  1. Hanapin ang dekorasyon na gusto mong i-edit.

  2. I-tap nang matagal ang dekorasyon hanggang makumpleto ang berdeng bilog.

  3. Pumili mula sa tatlo o apat na available na disenyo.

  4. Kapag nakapili ka na, i-click ang berdeng check sa kanang sulok sa ibaba para i-save ang pagbabago.

Catalog ng Dekorasyon
I-furnish ang Tangled Vines gamit ang mga bagong item na available mula sa Catalog ng Dekorasyon.

Para puntahan ang Catalog ng Dekorasyon:

  1. Sa kaliwang sulok sa ibaba, i-tap ang sofa.

  2. Pumili ng mga bagay para bumili ng mga item sa mga sumusunod na kategorya:

    • Bedroom / Balcony

    • Hallway / Banyo

    • Guest Bedroom

    • Sa Labas

    • Sala

Nagkakahalaga ang bawat item ng partikular na dami ng asul o purple na token. Makakakuha ka ng mga token kapag nakumpleto mo ang mga level sa unang pagsubok. Pagkatapos mong ma-unlock ang lahat ng available na dekorasyon, patuloy kang makakakuha ng mga token. Abangan ang mga bagong dekorasyon habang nilalabas ang mga ito!

Paano palitan ang pangalan mo

  1. Sa kanang sulok sa itaas, i-tap ang Settings.

  2. I-tap ang Palitan ang Pangalan.

  3. Palitan ang pangalan mo at i-tap ang berdeng check para i-save ito.

Ang ibig sabihin ng message na "Coming Soon"
Kung nakikita mo ang "Coming Soon" pagkatapos kumpletuhin ang isang chapter task, congratulations! Natapos mo na ang huling chapter na kasalukuyang available sa game.

Abangan ang mga bagong chapter habang regular na nilalabas ang mga ito. Samantala, puwede kang patuloy na maglaro ng mga Bonus level, makakuha ng coins, at lumaban sa mga event.

Availability ng mga bagong chapter at level
Patuloy kaming nagtatrabaho para sa bagong content na mae-enjoy mo! Abangan ang mga bagong chapter at level na regular na nilalabas.

Paano laruin muli ang mga chapters o level
Hindi mo puwedeng laruin muli ang isang level o chapter sa ngayon.

Paano i-restart ang game
Walang option sa ngayon para i-reset ang game data mo o magsimula mula sa pinakasimula. Kung gusto mong magsimula sa Level 1, puwede kang pumili ng ibang profile sa Netflix account mo para laruin ang game.

Marami kang madadaanang obstacle habang nilalaro mo ang game. Haharangan ang ilang piraso o kakailanganin mong magkolekta ng mga item para makumpleto ang bawat level.

Mga Cup
I-tap ang mga piraso sa tabi ng mga Cup o gumamit ng mga booster para i-clear ang mga ito sa board. Kailangan mong i-tap ang mga partikular na kulay para ma-clear ang ilang Cup.

Mga Ice Sculpture
Mag-clear ng daan sa ilalim ng mga Ice Sculpture sa pamamagitan ng pag-alis ng mga piraso o paggamit ng mga booster. Kapag umabot ang mga ito sa pinakababa ng board, kinokolekta ang mga ito at binibilang para sa layunin ng level.

MgaBubble
I-tap ang mga piraso sa loob ng mga Bubble para putukin ang mga ito! Mawawala din ang mga piraso ng Bubble kapag gumamit ka ng mga booster.

Mga Box
I-tap ang mga piraso sa tabi ng mga Box para i-clear ang mga ito sa board. Naka-tape nang kaunti ang ilang Box at kailangang i-tap ang mga ito nang higit sa isang beses para ma-clear. Maging alerto para sa mga Box kung saan kailangan mong i-tap ang mga partikular na kulay para ma-clear ang mga ito.

Mga Grape Basket
I-tap ang mga piraso sa tabi ng mga Grape Basket para kumolekta ng mga Grape para maabot ang layunin mo. Puwede mo ring direktang gamitin ang mga booster sa mga Grape Basket para kumolekta ng mga Grape.

Mga Chocolate Strawberry
I-tap ang mga piraso sa tabi ng mga Strawberry para i-dip ang mga ito sa chocolate. I-tap ulit ang mga piraso para i-clear ang mga ito sa board.

Marmalade
I-tap ang mga piraso sa tabi ng Marmalade o gumamit ng mga booster para i-clear ang mga ito sa board. Dapat mabilis ka, dahil kakalat ang Marmalade kapag hindi mo ito pinansin!

Mga Stone
Gumamit ng mga power-up tulad ng mga Barrel Bomb at Bottle Rocket para basagin ang mga Stone.

Mga Cage
I-tap ang mga piraso sa tabi ng mga Cage o gumamit ng mga booster para palayain ang mga pirasong nakakulong sa loob.

Mga Cupcake Stand
I-tap ang mga piraso sa tabi ng mga Cupcake Stands para mag-alis ng Cupcake. Kapag wala na ang lahat ng Cupcake, maki-clear ang stand.

Mga Stone Block
Tamaan ang mga Stone Block nang tatlong beses gamit ang mga Bottle Rocket o Barrel Bomb para alisin ang mga ito sa board. Puwede ring mabasag ng mga booster ang isang Stone Block.

Mga Colored Cupcake Stand
I-match ang mga pirasong pareho ang kulay sa Colored Cupcake na nasa stand para alisin ang mga ito. Halimbawa, i-match ang mga pulang piraso para alisin ang pulang Cupcake, mga asul na piraso para alisin ang asul na Cupcake. Aalisin din ng mga Barrel Bomb, Bottle Rocket, Spatula, Pizza Cutter, at Spoon ang isang Colored Cupcake sa stand.

Mga Gift Box
Mag-match ng maraming piraso sa tabi ng Gift Box para buksan ito at makahanap ng sorpresang power-up sa loob!

Mga Armored Piece
Sirain ang mga Armored Piece sa pamamagitan ng pag-match sa mga ito sa normal na piraso, o iba pang Armored Piece na pareho ang kulay. Kaya ring sirain ng mga Spatula, Pizza Cutter, at Spoon ang mga Armored Piece. Malakas ang mga Armored Piece at hindi masisira ang mga ito ng mga Bottle Rocket, Barrel Bomb o Rainbow Token.

Mga Portal
Kapag dumaan ang mga piraso at obstacle sa mga Portal, lalabas ang mga ito sa bagong column. Siguraduhing i-clear ang mga ito nang mabilis!

Mga Lock at Key
Maghulog ng Key sa ibaba ng board para mag-alis ng Lock na may parehong simbolo.

Mga Colored Candle
Magsindi ng mga Colored Candle sa pamamagitan ng pag-match ng mga pirasong pareho ang kulay sa tabi ng mga ito. Puwede ka ring gumamit ng mga booster para sindihan ang mga Colored Candle. I-clear ang lahat ng Colored Candle para ganap na alisin ang mga ito sa board.

Mga Wild Card block
Magbabago ang kulay ng mga umiilaw na block kada turn.

Mga Vine
Nila-lock ng mga Vine ang mga piraso hanggang mabasag mo ang pot sa gitna gamit ang mga power-up na tulad ng Bottle Rocket o Barrel Bomb.

Mga Soap Bottle
I-tap ang mga piraso sa tabi ng mga Soap Bottle para gumawa ng mga Bubble! Puwede ka ring gumamit ng mga booster nang direkta sa mga Soap Bottle para magdagdag pa ng mga Bubble.

Mga Mixer
Iki-clear ng isang Mixer ang buong row. I-charge ito sa sa pamamagitan ng pagkolekta ng mga piraso na may parehong kulay.

Mga Cupboard
I-tap ang mga piraso sa tabi ng Cupboard para random na magdagdag ng Cup sa board.

Ice
I-tap ang mga piraso sa tabi ng mga block na tinatakpan ng Ice para mabasag ito. Gumamit ng Bottle Rocket, Barrel Bomb, o Rainbow Token para i-clear ang lahat ng ito!

MgaCuckoo Clock
I-tap ang mga piraso sa tabi ng mga Cuckoo Clock para buuin ang mga ito. Kapag may asul na bubong sa itaas na Cuckoo Clock, naabot na nito ang huling state nito. I-tap ang mga piraso sa tabi ng mga tapos nang Cuckoo Clock para i-activate ang mga ito, at maki-clear ang mga ibang kalapit na piraso.

Ivy
I-tap ang mga piraso sa tabi ng Ivy para i-clear ito sa board. Hindi puwedeng i-tap ang mga pirasong tinatago ng Ivy hanggang ma-clear ang Ivy. Kailangang i-clear nang ilang beses ang Ivy na may mga bulaklak.

Mga Seed a Flower Pot
Maghulog ng mga Seed sa mga Flower Pot para magpatubo ng mga bulaklak sa board. Para maghulog ng mga Seed, alisin ang lahat ng block sa pagitan nito at ng Flower Pot. Kapag magkatabi ang pack ng mga Seed at Flower Pot, may lalabas ng mga makulay na bulaklak sa board.

Mga Thorn Vine
Hindi puwedeng i-clear ang mga Thorn Vine sa pamamagitan ng pag-match ng mga normal na piraso. Gumamit ng mga power-up o booster para alisin ang mga ito sa board. Kapag na-clear na ang mga Thorn Vine, puwede nang i-tap ang mga pirasong tinago ng mga ito.

Mga Paint Bucket
I-tap ang mga matching na piraso sa tabi ng Paint Bucket para i-activate ito, na magpipintura sa lahat ng diagonal na piraso ng parehong kulay. Halimbawa, kung na-activate ang purple na Paint Bucket, magiging purple ang lahat ng apat na diagonal na pirasong malapit dito.

Mga Brick Wall
Gumamit ng power-up, tulad ng Barrel Bomb o Bottle Rocket, para sirain ang mga Brick Wall. Kapag may biyak na ang Brick Wall, i-tap ang mga matching na piraso sa tabi nito para ganap na i-clear ito sa board.

Golden Grapes Event
Manalo ng mga premyo habang nakikipaglaban sa ibang player. Sa event na ito, kakailanganin mong manalo ng mga level para makakuha ng Golden Grapes. Mas maraming premyo ang matatanggap mo kung mas maraming Golden Grapes ang makokolekta mo sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga level. Mag-ingat dahil mawawala ang Golden Grapes mo kung mag-quit ka sa level o maubusan ka ng moves. Kung naabot mo na ang huling available na level, puwede kang patuloy na makakuha ng Golden Grapes habang naglalaro ng mga bonus level.

Puwede ka ring lumaban sa leaderboard laban sa ibang player, kung saan makakatanggap ka ng mga premyo para sa pagkakaroon ng pinakamaraming Golden Grapes.

Paano matitingnan ang Golden Grapes leaderboard
Para siguraduhing makikita mo at ng ibang player ang kasalukuyang score ng isa't isa sa Golden Grapes, kailangan ng leaderboard ng stable na internet connection. Kapag konektado ka na sa stable na internet connection, awtomatikong maa-update ang leaderboard para ipakita ang pinakabagong halaga at rank ng player sa Golden Grapes.

Dish It Up Event
Punuin ang dish ng pusa para makakuha ng mga napakagandang premyo. Sa event na ito, kakailanganin mong mangolekta ng mga piraso na may simbolo ng pusa kapag tumatapos ng mga level. Mas maraming premyo ang mapapanalunan mo kung mas maraming piraso ang makokolekta mo para matulungan ang pusa! Tandaan, mabibilang lang ang mga pirasong nakolekta mo kung makumpleto mo ang level. Kung naabot mo na ang huling level, bibilangin din para sa progress sa event ang pagkolekta ng mga piraso mula sa mga bonus level.

Chop to the Top Event
Tulungan si Bruce na umabot sa tuktok! Para sumali sa event na ito, kailangan mong tapusin ang partikular na dami ng level para makakuha ng mga trophy. Mas maraming ibibigay na premyo kung mas marami ang level at trophy na mapapanalunan mo. Sa kanang sulok sa itaas, i-tap ang trophy icon para tingnan ang progress mo sa event. Kung naabot mo na ang huling level, mabibilang din ang pagkumpleto ng mga bonus level para sa progress sa Chop to the Top event.

Snack Attack Event
Tulungan si Kai na gawin ang sandwich niya! Sa event na ito, makakakuha ka ng mga power-up kapag patuloy kang nanalo ng ilang dami ng level. Mas marami kang makukuhang power-up kung mananalo ka ng mas maraming level. Mabibilang para sa progress ng event ang anumang level, kasama ang mga bonus level. Gagamitin sa simula ng susunod na level ang anumang ibinigay na power-up. Kapag natalo ka sa level, o mag-quit ka sa gitna ng isang level, mare-reset ang lahat ng progress sa kasalukuyang streak pabalik sa 0.

  • Streak 1 (manalo ng 1 level): Magbibigay ng 1 Bottle Rocket sa simula ng bagong level.

  • Streak 2 (manalo ng 2 level nang magkasunod): Magbibigay ng 1 Bottle Rocket at 1 Barrel Bomb.

  • Streak 3 (manalo ng 3 level nang magkasunod): Magbibigay ng 1 Bottle Rocket, 1 Barrel Bomb, at 1 Rainbow Token.

Win on First Try Event
I-spin ang wheel para mapanalunan ang jackpot! Sa event na ito, kakailanganin mong matapos ang mga "hard" level sa unang pagsubok nang hindi natatalo o nagki-quit. Pagkatapos manalo, isi-spin mo ang wheel para manalo ng mga masayang premyo nang random. Patuloy na mag-spin para sa pagkakataong manalo ng mga jackpot na premyo.

Mga bagong level at chapter
Nakaplanong paisa-isang i-release ang mga bagong chapter simula sa May 23, 2023. Magiging available ang mga karagdagang chapter at level kada dalawang linggo.

Gusto mo bang alamin pa ang tungkol sa Vineyard Valley? Pumunta sa Game Support page.

Mga Kaugnay na Article