Too Hot To Handle 2 - Mga Tanong sa Gameplay
Na-stuck ka ba sa kahit saan sa laro? Iniisip mo ba kung paano gumagana ang isang bagay? May mga tanong ka ba tungkol sa settings sa laro? Heto ang mga sagot sa mga karaniwang tanong sa gameplay.
Posibleng may mga spoiler sa ibaba.
Palitan ang hitsura at pangalan ng avatar
Piliin ang body type, skin color, pangalan, at pronouns mo sa Avatar Creation screen sa simula ng game. Kapag napili na, hindi na mapapalitan sa playthrough na iyon ang avatar, pangalan, mga interes, star sign, at pronouns mo. Kung gusto mong palitan ang mga ito, i-restart ang game sa pamamagitan ng pagpili sa Seasons tab at pag-tap sa Restart Season button. Kapag na-tap ang Restart Season button, made-delete ang lahat ng nagawa mo hanggang sa ngayon.
Star Sign at Mga Interes
Pagkatapos mong pumili, babaguhin ng star sign at mga interes mo ang ilang bahagi ng storyline sa pamamagitan ng pag-unlock ng mga unique na dialogue kasama ng mga character na may mga parehong interes o may compatible na star sign.
Magpalit ng buhok, outfit, accessories, o mga medical aid
Puwedeng madalas na palitan ang buhok, outfit, accessories, o mga medical aid mo habang naglalaro. Para palitan ang mga ito kahit kailan, pumunta sa personal look book mo. I-tap ang profile profile card mo sa SEASON 2 CAST section ng Home tab at piliin ang customize icon sa kanang sulok sa itaas. Pagkatapos i-confirm at i-save ang look mo, kaagad itong makikita sa game.
Baguhin ang personality stats
Hindi tulad ng hitsura mo, hindi mo kailangang piliin ang personality type mo sa simula ng game. Ikaw ang bahala kung gusto mong maging Sweet , Naughty, Agreeable, o halu-halo! Tataas ang isang personality stat kapag pinili mo ang mga option na may stat na gusto mong pataasin.
Mga emoji sa pangalan ng castmate
Ang mga emoji sa tabi ng mga pangalan ng mga castmate ay ang nangingibabaw nilang personality type: Sweet, Naughty, Agreeable.
Pag-filter sa potential love interests
Puwedeng i-romance ang lahat ng love interest, anuman ang kanilang kasarian. Sa game, piliin ang mga romantic na option sa (mga) castmate na gusto mong mas makilala.
Relationship meter
Ipinapakita ng relationship meter kung gaano mo ka-close ang mga kapwa castmate mo. Maipapakita nito ang romantic status mo sa love interest mo, o ang friendship status mo sa mga castmate na hindi puwedeng i-romance.
Pagandahin ang mga relasyon sa iba pang castmate
Puwede mong mas maka-close ang iba pang castmate sa pamamagitan ng pagpili sa mga partikular na option sa game. Tataas ang relationship meter mo sa ilan, habang hindi naman sa iba pa. Hindi puwedeng mawala ang points na nakuha mo na.
Lana
Si Lana ay isang voice-interactive AI device na nagbabantay sa mga castmate, nagbibigay sa iyo ng directions sa buong retreat, at nagtutulak sa iyo na maging tapat kapag nagkamali ka para mag-encourage ng mas malalalim na koneksyong hindi natatapos sa hitsura.
Paglabag sa rule
Palaging nagbabantay si Lana. Kung may lalabagin kang rule, may ibabawas na pera sa shared prize fund. May exclamation mark sa tabi ng mga ito ang mga option sa game na lalabag sa rule. Kung gusto mong maging makulit, siguraduhing handa kang magbayad! Puwede ring maapektuhan ang prize fund ng mga desisyon ng ibang character sa game.
Pag-earn ng pera
Kahit na lumabag ka sa ilan sa mga rule, posibleng may dumating na pagkakataon para makabawi, na magbabalik ng nawalang pera sa prize fund! Abangan ang mga pagkakataong iyon!
Magpalit ng outfit o hairstyle para sa date
Puwedeng ganap na i-customize ang hairstyle at outfit mo bago ang date mo. Puwede mo nga ring i-style ang ka-date mo. Ang mga gagawin mong pagbabago ay pansamantala at sa date lang makikita, kaya huwag mag-atubili rito!
Paano malalaman kung kumusta ang date
Kapag nagsimula na ang date, madaragdagan ng hearts ang date meter kapag mga tamang option ang napili. Ang love points sa date meter ay idaragdag sa relationship meter mo pagkatapos ng date, kaya lubusin ang pagkakataong ito para maging mas close pa sa isa sa mga castmate mo!
Naging green ang orasan mo
Kung sa palagay ni Lana ay bumubuo ka ng makabuluhang relasyon kasama ng isa sa mga castmate mo, baka gawin niyang green ang mga ilaw sa mga orasan ninyo. Kung mangyayari iyon, io-off ang lahat ng rule, at wala nang sex ban. Siguraduhing lulubusin mo ang pagkakataong mag-enjoy!
Mga achievement at reward
Ang mga achievement ay mga task na dapat mong tapusin sa game para makatanggap ng mga reward. Nasa anyo ng mga litrato (na nagpapakita ng maliit na bahagi ng mga pang-araw-araw na buhay ng mga contestant sa labas ng palabas), outfit, at accessories ang mga reward. Kapag nakuha mo na ang mga reward na ito, iso-store ang mga ito sa convenient na wallet, para ma-access mo ang mga ito kahit kailan mo gusto. Makikita rin ang mga ito sa menu ng pag-customize ng look book pagkatapos ma-unlock ang mga ito.
Lumalabas ulit ang mga tapos nang achievement
May ilang achievement kung saan may kailangan kang gawing partikular na pagkilos nang ilang beses para matapos. Tingnan ang Achievements tab, kung saan may mahigit sa isang trophy icon sa ilalim ang mga achievement na may maraming yugto. Kapag natapos na ang lahat ng yugto ng achievement, maa-unlock ang reward mo.
Restart Season
Kapag na-tap ang Restart Season button, made-delete ang lahat ng nagawa mo sa story hanggang sa ngayon, kasama ang na-customize mong hitsura, at relationship status kasama ng iyong mga castmate.
Restart Chapter
Nagbibigay-daan ito para ma-restart mo ang game mula sa partikular na chapter. Mare-reset ang avatar mo sa hitsura na mayroon ka hanggang sa puntong iyon, at babalik ang mga relationship meter kasama ng mga castmate sa status ng mga ito bago ng chapter na iyon. Kapag nag-restart ka ng chapter, hindi mare-reset ang na-unlock na achievement na maaaring na-unlock mo na bago ka mag-restart.
Pag-skip sa content na dati nang nabasa
Kapag natapos mo na hanggang sa dulo ang isang season, magagamit mo ang skip feature para mabilis na mag-access ng hindi pa nababasang content, gawin ang ilan sa iba pang ending sa game, o balikan lang ang mga paborito mong sandali. Mag-tap at mag-hold kahit saan sa screen para mag-fast forward. Automatic na hihinto ang skip feature sa lahat ng pagpili, date, at kahit na party, para may sapat kang information para mapili ang tamang option.
Choice summary % sa CHAPTER RECAP screen
Ipinapakita ng % sign sa tabi ng bawat option ang porsyento ng mga player na pumili ng partikular na sagot. Ang kulay green na sagot ang napili mo. Tingnan ang iba pang porsyento para makumpara sa iba pang player ang mga napili mo.
Gusto mo bang alamin pa ang Too Hot To Handle 2? Pumunta sa Game Support page.