The Queen's Gambit Chess - Mga Tanong sa Gameplay

Na-stuck ka ba sa kahit saan sa laro? Iniisip mo ba kung paano gumagana ang isang bagay? May mga tanong ka ba tungkol sa settings sa laro? Heto ang mga sagot sa mga karaniwang tanong sa gameplay.

Posibleng may mga spoiler sa ibaba.

Mga accessibility option

Ang The Queen's Gambit Chess ay may color blindness accessibility options. Sa una mong pag-launch ng game, mapipili mo ang color correction na pinakabagay sa iyo.

Kung gusto mo itong baguhin sa ibang pagkakataon:

  1. Sa kaliwang bahagi sa ibaba ng screen, i-tap ang Settings.

  2. Mag-swipe pababa sa seksyong Accessibility.

  3. Piliin ang settings at sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang X para isara ang window.

Pagbago sa wika ng game

Bilang default, gagamitin ng game ang wika ng Netflix profile mo. Sa una mong pag-launch ng game, mapipili mo ang wika mo.

Kung gusto mo itong baguhin sa ibang pagkakataon:

  1. Sa kaliwang bahagi sa ibaba ng screen, i-tap ang Settings.

  2. Mag-swipe pababa sa seksyong Accessibility.

  3. I-tap ang button sa row na Wika ng game na nagpapakita ng kasalukuyang wika.

  4. Pumili ng wika mula sa dropdown at i-tap ang I-confirm.

  5. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang X para isara ang window.

Offline play

Maraming bahagi ng The Queen's Gambit Chess ang puwedeng laruin nang walang internet connection, kasali na ang Beth’s Journey at Pass and Play chess. Para magamit ang ilang element tulad ng multiplayer, kailangan ang online connection.

Pag-alis sa game

Para umalis sa game, i-tap ang exit button (pinto na may arrow na nakaturo palabas) sa kaliwang bahagi sa ibaba ng screen. Dito, puwede kang mag-save at mag-exit kung gusto mong balikan ang game, humiling ng draw, o mag-resign kung gusto mong tapusin na ang game.

Nase-save ang game kapag umalis sa game

Kung gusto mong bumalik sa isang offline o asynchronous game, i-tap ang exit button. Mase-save nito ang game mo, kaya makakabalik ka sa ibang pagkakataon at makakapagpatuloy sa paglalaro.

Pag-on/pag-off sa square names

Para i-on o i-off ang square names sa game, i-tap ang square names button (dalawang magka-overlap na square).

Paglipat sa 3D at 2D board

Para mag-toggle sa 2D at 3D board habang naglalaro ng chess, i-tap ang 2D o 3D button sa kaliwang bahagi sa ibaba ng screen.

Ano ang Elo?

Sa chess, ang Elo ay rating na ibinibigay sa players para masukat ang level ng skill nila kung ikukumpara sa iba.

Paano ko babaguhin ang Elo ko?

Mag-a-update ang Elo kapag natapos mo ang isang online game o showdown. Ang laki ng pagbabago nito ay nakadepende sa panalo mo at kung ano ang Elo rating ng kalaban mo.

Paano ginagamit ang Elo ko sa game?

Ginagamit namin ang Elo para masukat ang skill levels at ima-match ka namin laban sa ibang players na may kaparehong skill level. Tinitiyak nito na ang lagi mong makakalaro ay isang player na halos katulad mo ng kakayahan at lumilikha ng competitive environment kung saan bibigyan ka ng reward sa pag-improve.

Ano ang Beth’s Journey?

Ang Beth’s Journey ay immersive experience, kung saan masusubaybayan mo ang pag-improve ni Beth mula sa pagiging baguhan hanggang sa pagiging grandmaster. Sa pagsubaybay mo rito, matututo kang maglaro ng chess at masusubukan mo ang pahirap nang pahirap na puzzles.

Paano ako maglalaro ng Beth’s Journey?

Pagkatapos mong makumpleto ang tutorial o i-load ang game, automatic kang dadalhin sa Beth’s Journey map. Dito, pumili ng isa sa na-unlock na chapters mo at magpatuloy sa paglalaro.

Paano ko pipiliin o babaguhin ang difficulty?

Sa una mong pagpasok sa Beth’s Journey, papipiliin ka sa 3 difficulty level: novice, intermediate, o advanced. Bawat difficulty ay may sariling puzzles at lessons na ie-explore.

Para baguhin ang difficulty mo kahit kailan, sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang difficulty bar (na nagpapakita ng kasalukuyan mong difficulty). Bawat difficulty ay may sariling progression, kaya magsisimula ka ng bagong journey kapag binago mo ang setting. Pero huwag mag-alala, puwede kang bumalik kahit kailan at magpatuloy kung saan ka tumigil.

Puwede ko bang i-reset ang progress ko sa Beth’s Journey?

Hindi, walang paraan para i-reset ang progress mo. Pero puwede kang bumalik at i-replay ang kahit anong natapos na puzzle o lesson kahit kailan.

Paano ko makukuha ang lahat ng star sa puzzle?

Para makuha ang lahat ng star sa isang puzzle, kailangan mong tapusin ito sa pinakamaikling "Finish under" time o pinakakaunting bilang ng moves. Makikita mo ang targets na ito sa pagpasok mo sa puzzle at sa bar sa itaas habang naglalaro ka.

Kung hindi mo nakuha ang lahat ng star sa una mong attempt, puwede kang bumalik kahit kailan at sumubok ulit.

Paano ko ia-unlock ang susunod na chapter?

Maa-unlock ang susunod na chapter kapag natapos mo na ang bawat lesson at puzzle sa kasalukuyan mong chapter.

Paano ako maglalaro ng lessons?

Malalaro mo ang lahat ng lesson habang nagpo-progress ka sa Beth’s Journey. Sa pag-tap sa Lesson Librarybuilding sa Beth’s Journey map, mare-replay mo ang kahit anong gusto mong balikan.

Paano ako maglalaro ng game na chess?

Maa-access ang games sa home screen. Sa pag-tap sa games button, mapupunta ka sa menu kung saan ka makakapili ng uri ng game na gusto mong laruin:

  • Games in progress - Ituloy ang kasalukuyang laro

  • Play Online - Makipaglaro sa matchmade na kalaban

  • Play Practice - Makipaglaro sa isang AI na kalaban sa difficulty na pinili mo

  • Play vs. Friend - Makipaglaro laban sa player na pinili mo

  • Pass & Play - local play sa pagitan ng dalawang player

Pagkatapos pumili ng kalaban, puwede mo nang i-set ang game ayon sa gusto mo, gamit ang kahit anong na-unlock na content mo.

Paano ako mag-i-invite ng kaibigan para makalaro?

  1. Mag-create ng Play vs. Friend game.

  2. Kapag pumasok ka sa table, bibigyan ka ng 6-letter code (hal. ABCDEF). I-share sa kabigan ang code na ito sa text, email, o message.

  3. Pagkatapos, dapat piliin ng kaibigan mo ang Play vs. Friend, piliin ang option na Join, at ilagay ang code para maka-join ka niya sa table.

Saan ko makikita ang profile at game statistics ko?

Para makita ang statistics at player profile mo, i-tap ang Your stats button (pie chart) sa kaliwang bahagi sa ibaba ng home screen.

Ano ang Harmon Match?

Ang Harmon Match ay panukat kung paano ka maglaro ng chess kumpara kay Beth Harmon. Sinusuri ng game ang moves mo para maipakita sa iyo ang total percentage ng pagkakatulad ng laro mo at ng laro ni Beth Harmon!

Paano ko maise-share ang match ko?

Pagkatapos ng game, dadalhin ka sa post-game analysis screen. I-tap ang button na Iba pang Info at may dalawang option ka para i-share ang game mo: copy FEN at copy PGN. Makokopya ang mga ito sa clipboard mo at pagkatapos ay maise-share kung saan mo piliin.

Ano ang Beth's Vision?

Ang Beth's Vision ay batay sa kakayahan ni Beth sa show na mag-isip ng lahat ng posibleng moves at piliin ang best move sa isang sitwasyon.

Kapag ginamit mo ang Beth’s Vision, titingin ka sa kisame kung saan pag-iisipan at ipapakita ni Beth sa iyo ang susunod na best move.

Paano ko gagamitin ang Beth’s Vision?

Sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-tap ang icon na Beth’s Vision kapag fully charged ito. Kapag ginawa mo ito, magpe-play ang animation ng Beth’s Vision at pagkatapos ay ipapakita sa iyo ang best move sa board, at puwede mo itong sundin o hindi.

Paano ako icha-charge ang Beth’s Vision?

Automatic na nagcha-charge ang Beth’s Vision habang nilalaro mo ang game. Mas mabilis itong macha-charge kapag hindi mo pinili ang best moves at kapag nagkakamali ka.

Saan ako matututong maglaro ng chess in-game?

Ang paglalaro sa Beth’s Journey ang pinakamagandang paraan para matuto. Kung talagang beginner ka, inirerekomenda namin na magsimula ka sa novice difficulty hanggang sa tumaas ang difficulty level mo.

Saang in-game ko makikita kung paano gumagalaw ang bawat piyesa ng chess?

Alamin kung paano gumagalaw ang bawat piyesa ng chess sa pamamagitan ng paglalaro ng Beth’s Journey sa difficulty level na Novice. Puwede mo itong balikan kahit kailan sa Lesson Library.

Paano ka mananalo sa game na chess?

May tatlong paraan para manalo ka sa game na chess:

  • Checkmate: Ang pangunahing paraan para manalo sa game, paglalaro ng game hanggang sa matapos. Nangyayari ito kapag pinagbabantaan ng isa sa mga player ang kalabang king at hindi ito makaka-move sa kahit saang square, hindi mapoprotektahan ng ibang piyesa, at ang nag-check na piyesa ay hindi maka-capture.

  • Resignation: Kapag naniniwala ang isang player na hindi siya mananalo dahil napakalaki ng lamang ng kalaban, puwede siyang mag-resign, at mananalo ang player na natira sa game.

  • Timeout: Kapag naubusan ka ng oras, automatic kang matatalo kung ang kalaban mo ay may minimum na piyesang kailangan para i-checkmate ka.

Ano ang ibig sabihin ng stalemate?

Ang stalemate ay draw kung saan ang dalawang player ay hindi nanalo dahil hindi na sapat ang piyesa o hindi na makakilos ang mga piyesa nang hindi naman naka-check ang king.

Ano ang Castling? Ang

Castling ay isang espesyal na rule na nagpapahintulot sa king mo na mag-move nang dalawang espasyo sa kanan o kaliwa, samantalang ang rook sa panig na iyon ay magmu-move sa kabilang panig ng king. Puwedeng gawin ito kung walang mga piyesa sa pagitan ng mga ito at hindi pa nakaka-move ang mga ito. Pero tandaan na hindi ka puwedeng mag-castle kung na-check ka!

Paano ako magbabasa ng chess notation?

Gumagamit ang chess ng algebraic notation, na nagbibigay sa bawat square ng coordinate batay sa perspective ng white.

  • Ang square sa kaliwang sulok sa ibaba ay a1, ang nasa ibabaw nito ay a2, sa ibabaw nito ay a3, at iba pa. Ang nasa kanan ng a1 ay b1, pagkatapos ay c1, atbp., at ang nasa kabilang panig (kanang sulok sa itaas) ay h8.

  • Sa terminology ng chess, bawat row ay tinatawag na rank, at bawat column ay file. Kaya kapag nag-move tayo pataas ng rank sa board, nagsisimula ito sa 1 hanggang 8 at kapag nagmu-move tayo sa column ng board, nagsisimula ito sa a hanggang h.

  • Ang label ng mga piyesa ay ang unang letra ng pangalan ng mga ito, maliban sa knights, na gumagamit ng N, at pawns na hindi gumagamit ng letra.

    Kung gusto mo ng higit pang impormasyon, tingnan ang chess notation tutorial sa intermediate difficulty ng Beth’s Journey.

Ano ang FEN?

Ipinapakita ng FEN (Forsyth-Edwards Notation) ang lahat ng impormasyong kailangan para ilarawan ang kasalukuyang posisyon ng chessboard. Wala itong masyadong sasabihin sa iyo sa nangyari bago ang puntong iyon sa game, pero ipinapakita nito kung may mga posibilidad ng castling, kung sino na ang magmu-move, at ang bilang ng moves na nagawa na.

Ano ang PGN?

Ang PGN (Portable Game Notation) ay isang easy-to-read format na nagre-record ng moves ng game (sa standard algebraic notation) at kahit anong nauugnay na impormasyon gaya ng mga pangalan ng players, ang nanalo/natalo, at kahit ang petsa nang laruin ang game.

Ano ang Coins at paano ko ito gagamitin?

Ginagamit ang coins sa pagbili ng bagong locations, chess sets, at cosmetics para sa profile mo. Magagamit mo ito sa item shop, na puwede mong puntahan sa pamamagitan ng pag-tap sa shopping cart sa kaliwang bahagi sa ibaba ng main screen.

Paano ako makakakuha ng Coins?

Nakukuha ang coins sa pamamagitan ng paglalaro ng games, pagtapos sa puzzles at lessons sa Beth’s Journey, at pagkumpleto sa Goals.

Paano ako makakapag-unlock ng mas maraming Avatars, Backgrounds, Frames, o Chess Sets?

Puwede mo itong i-unlock sa item shop. Sa kaliwang bahagi sa ibaba ng main screen, i-tap ang shopping cart. Gamitin ang coins mo para mag-add sa collection mo. Ang ilang item ay kailangang i-unlock sa pamamagitan ng paggawa ng partikular na bagay sa game. May lock icon ang mga ito. Para malaman kung paano i-unlock ang mga ito, i-tap ang item na gusto mong i-unlock.

Paano ko babaguhin ang Avatars, Backgrounds, Frames, o Chess Sets?

Para makapagbago ng avatars, backgrounds, o frames, pumunta sa screen na I-edit ang Profile. Sa kaliwang sulok sa itaas ng screen, i-tap ang profile mo. Pagkatapos ay piliin ang item na gusto mong gamitin mula sa collection mo. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang X para isara ang screen.

Para sa chess sets, pagkatapos i-unlock ang isang chess set sa item shop, mapipili mo na itong gamitin kapag nagsimula ka ng kahit anong custom game na chess.

Saan ko makikita ang aking Postcards?

Para makita ang postcards, pumunta sa Post Boxes na nasa iba't ibang lokasyon sa Beth’s Journey.

Saan ang magiging table side ko?

Kapag nagsimula ka ng bagong online game, isa sa dalawang bagay ang mangyayari: kung may naghihintay nang player, majo-join ka sa table niya bilang black side. Kung wala, magke-create ka ng bagong table bilang white at maghihintay ng kalaban para mag-join sa iyo.

Kung lalaban ka sa mga kaibigan mo o sa AI, mapipili mo ang gusto mong side sa unang game setup.

Paano gumagana ang matchmaking?

Sa matchmaking system, ihahanap ka ng kalaban na may katulad na skill level sa pinakamabilis na panahon.

Puwede ko bang i-undo ang nauna kong move?

Sa Play Practice games, Beth’s Journey, at friendly games laban sa mga character sa show, puwede mong i-undo ang nauna mong move, kaya masusubukan mo ang iba't ibang opsyon at makikita ang kalalabasan. Hindi puwedeng mag-undo sa online multiplayer.

Ano ang mangyayari kapag may umalis sa kalagitnaan ng game?

Kapag may umalis sa kasalukuyang game, puwede siyang bumalik at gawin ang susunod niyang move hangga't hindi pa ubos ang time control niya. Kung hindi, ituturing na nag-forfeit siya at ia-award ang panalo sa kalaban niya.

Ano ang Goals?

Ang Goals ay mga espesyal na misyon na puwede mong kumpletuhin para sa karagdagang reward. Naa-unlock ang mga ito pagkatapos maglaro ng game nang sandaling panahon. Ang mga ito ay mga bagay na madalas na makukumpleto mo habang nilalaro mo sa normal na paraan ang game pero karaniwang nagbibigay sa iyo ng karagdagang bagay na pagsisikapan o isang bagong bagay na puwedeng subukan. Makukumpleto mo ang mga ito sa sarili mong oras at hindi mag-e-expire ang challenges.

Saan ko makikita ang aking Goals?

Sa kanang bahagi sa ibaba ng home screen, i-tap ang button na Goals (star sa loob ng hugis bulaklak) para makita ang challenges mo.

Puwede ko bang i-swap ang Goals ko kung ayaw ko ng mga ito?

Bawat araw, puwede mong tanggihan ang isa mga goals na inoffer sa iyo at palitan ito ng bagong random challenge.

Gaano kadalas akong makakatanggap ng bagong Goal?

Makakatanggap ka ng isang bagong set ng goals bawat araw, hangga't may empty slot ka sa active challenges mo.

Anong bagong Goals ang matatanggap ko?

Ang goals ay random na kinukuha sa koleksyon ng available na goals para sa kasalukuyan mong progress at piniling difficulty.

Ano ang rewards?

Kapag nakumpleto mo ang goals, makakatanggap ka ng karagdagang coins.

Gusto mo bang alamin pa ang The Queen's Gambit Chess? Pumunta sa Game Support page. Puwede ka ring makipag-ugnayan sa amin kahit kailan.

Mga Kaugnay na Article