Pag-verify ng email
Kapag nagsa-sign up sa Netflix, posibleng magpadala kami sa iyo ng email na humihiling sa iyong i-verify ang email address mo. Kapag na-verify ang email address mo, makakatulong itong mapanatiling mas secure at up-to-date ang account mo.
I-tap o i-click ang button na I-verify ang Email sa email na iyon para tapusin ang proseso.
Kung sinusubukan mong i-verify ang email mo pero nag-expire na ang link, i-tap o i-click ang Magpadala ng Link sa error screen para magpadala ng bagong email para sa pag-verify.
Pag-add at pag-verify ng mga email sa mga secondary Profile
Kapag nag-add ng email sa profile, hihilingin na i-verify ang email bago mag-sign in. Pwede ma-verify ito gamit ang 6-digit code na ipapadala namin sa email.
Kapag na-verify na ito, puwede silang mag-sign in sa kanilang profile mula sa anumang supported na device.
Paano mag-opt in sa email verification
Kung hindi mo natanggap ang email noong nag-sign up ka at gusto mong mag-opt in sa pag-verify ng email, sundin ang steps na ito:
Pumunta sa seksyon na Security ng account mo.
Piliin ang Email.
Piliin ang Magpadala ng Link.
I-tap o i-click ang I-verify ang Email sa email na ipapadala namin sa iyo.