Paano kontrolin ang Netflix sa TV mo gamit ang phone
Para gamitin ang phone mo para kontrolin ang Netflix sa TV mo, gamitin ang Companion Mode.
Mag-browse sa Netflix at maghanap ng mga TV show at pelikula na mapapanood
Gumamit ng mga shortcut para pumunta sa Mga TV Show, Mga Pelikula, Bago at Sikat, at List Ko sa TV mo
Mag-play, mag-pause, mag-rewind, o mag-fast forward ng content, o pumunta sa ibang episode
Baguhin ang playback settings mo, tulad ng mga wika at subtitle
Ang Companion Mode ay isang beta experience na available sa ilang member na may pinakabagong version ng Netflix mobile app na naka-install sa Android phone o iPhone, at nanonood ng Netflix sa TV o streaming device. Para malaman kung kasama sa beta ang account mo, buksan ang Netflix mobile app at hanapin ang Companion Mode icon sa kanang sulok sa itaas.
I-connect ang mga device mo at gamitin ang Companion Mode
Buksan ang Netflix sa phone at TV mo.
Siguraduhing naka-sign in ka sa parehong Netflix account sa parehong device.
Sa kanang sulok sa itaas ng mobile app, i-tap ang Companion Mode.
I-tap ang Mag-connect sa TV.
Piliin ang TV o TV streaming device mo.
Kung hihilingin, piliin kung aling profile ang gagamitin. Para gamitin ang Companion Mode, dapat naka-sign in sa parehong profile ang dalawang device.
Makakakita ka ng message sa parehong device na nagsasabing matagumpay ang pag-connect. Pagkatapos mong kumonnect sa phone at TV mo nang isang beses, automatic na ko-connect ang mga device na iyon sa hinaharap kapag nakabukas ang Netflix sa parehong device at gumagamit ng iisang profile.
Paano malaman kung naka-connect sa TV ang phone mo:
Magmumukhang maliwanag ang Companion Mode icon sa kanang sulok sa itaas ng mobile app .
Makikita mo ang "Naka-connect sa TV" at ang pangalan ng TV sa ibaba ng screen mo pagkatapos i-tap ang Companion Mode icon.
Para mag-disconnect ng naka-connect na phone:
Sa kanang bahagi sa itaas ng mobile app, i-tap ang Companion Mode.
I-tap ang I-disconnect.
Makakakita ka ng notification sa kanang sulok sa itaas ng TV mo na na-disconnect ang phone na kasalukuyang ginagamit mo.
Automatic din na madi-disconnect ang phone kung isasara mo ang Netflix app sa TV o phone mo, o kung i-off mo ang TV mo.
Tandaan:Posibleng ipakita pa rin ng phone mo na naka-connect ito ilang minuto pagkatapos mong isara ang Netflix sa TV mo.
Pagkatapos kumonnect sa unang pagkakataon, posibleng automatic na kumonnect ang phone at TV mo kapag nakabukas ang Netflix sa parehong device at gumagamit ng iisang profile.