Netflix Error AVF:11870;OS:61001;

Posibleng makita mo ang error na AVF:11870;OS:61001; kasama ng message na ito:

Hindi ma-play ang title. Pakisubukan ulit mamaya.
(AVF:11870;OS:61001;)

Puwedeng mangyari ang error na ito sa iPhone o iPad mo kapag sinubukan mong manood sa Netflix nang naka-on ang Screen Mirroring o Airplay dahil hindi sinu-support ng Netflix ang mga feature na ito. Puwede mong gamitin ang iPhone o iPad mo para manood ng Netflix sa TV mo sa pamamagitan ng pag-connect gamit ang video cable adapter.

Para i-off ang Screen Mirroring, sundin ang steps na ito:

  1. Sa iPhone o iPad mo, mag-swipe pababa mula sa itaas ng screen.

  2. I-tap ang Screen Mirroring pagkatapos ay i-tap ang Stop Mirroring.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article