Sabi ng Netflix, ‘Wala ang device mo sa Tirahan para sa Netflix ng account na ito’
Wala ang device mo sa Tirahan para sa Netflix ng account na ito
Ibig sabihin ng message na ito, hindi naiugnay ng Netflix ang device mo sa Tirahan para sa Netflix mo.
Kung gumagamit ka ng device na hindi nauugnay sa Tirahan para sa Netflix, gumawa ng sarili mong account para ma-enjoy ang Netflix.
Kung gumagamit ka ng mobile o portable device na nasa Tirahan para sa Netflix pero nakikita mo ang error na ito, i-confirm na naka-connect sa iisang Wi-Fi ang device at TV o TV-connected device na nauugnay sa Tirahan para sa Netflix. Kung may problema pa rin, i-update ang Tirahan para sa Netflix mula sa TV mo o device mo na naka-connect sa TV. Pagkatapos, i-restart ang Netflix app sa mobile device mo.
Paalala:Kung wala kang access sa isang TV o TV-connected device, tingnan ang mga device na naging active at mag-sign out sa kahit anong device na hindi mo nakikilala para siguraduhing na-set nang tama sa account mo ang Tirahan para sa Netflix. Pagkatapos ay buksan ang Netflix app sa mobile device mo.
Kung gumagamit ka ng mobile o portable device habang on the go o wala sa bahay, kailangan mong i-verify ang device para pansamantalang makapanood.
Para i-verify ang mobile o portable device mo:
Kapag nakita mo ang error message sa mobile device mo, i-tap ang Pansamantalang Manood.
I-tap ang Magpadala ng Email o Magpadala ng Text para magpadala ng code.
Tingnan ang natanggap mong email o text message at hanapin ang code.
Bumalik sa Netflix app, ilagay ang code na natanggap mo mula sa email o text message, at i-tap ang I-submit ang Code.
I-tap ang Magpatuloy sa Netflix.
Paalala:Iwasan ang mga abala sa hinaharap kapag bumabiyahe o on the go ka sa pamamagitan ng pag-connect ng device mo sa Wi-Fi sa Tirahan para sa Netflix mo at pagbukas ng Netflix app nang kahit isang beses kada buwan.