Netflix Error UI3013

Posibleng makita mo ang error code UI3013 kasama ng message na

Pasensya na, nagkakaproblema kami sa request mo.
Error Code UI3013

Posibleng mangyari ang error na ito kapag pinipigilan ng problema sa browser plug-in o extension ang pag-play ng Netflix.

Para ayusin ang problema, sundin ang steps para sa device mo.

Posibleng ang "Netflix 1080p" Chrome extension ang dahilan ng error na ito sa browser mo. Sundin ang steps sa ibaba para i-off ito at subukan ulit ang Netflix.

I-off ang mga Chrome extension

Kung gumagamit ka ng Chrome, puwede mong i-off ang mga hindi kailangang add-on.

  1. Sa address bar, ilagay ang chrome://extensions.

  2. I-off ang kahit anong extension na naka-on.

    Tandaan:Hindi kailangang i-off ang mga extension na nasa ilalim ng Chrome Apps.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Kung malulutas ng steps na ito ang problema, subukang i-on ang mga extension mo nang paisa-isa para malaman kung alin ang pumipigil sa Netflix na gumana nang maayos.

I-off ang mga extension sa Edge
  1. Sa kanang sulok sa itaas ng browser mo, i-click ang Extensions icon.

  2. I-click ang Manage Extensions.

  3. I-off ang lahat ng naka-install na extension, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

Kung maaayos ng steps na ito ang problema, puwede mong paisa-isang i-on ang mga extension mo para malaman kung alin ang pumipigil sa pag-play ng Netflix.

I-disable ang Extensions sa Firefox
  1. Sa kanang sulok sa itaas ng browser, i-click ang Menu.

  2. I-click ang Add-ons and themes, tapos, i-click ang Extensions.

  3. Sa Enabled, i-click ang button sa tabi ng bawat extension para i-disable ito.

  4. Isara at buksan ulit ang Firefox, tapos, subukan ulit ang Netflix.

I-disable ang extensions sa Safari
  1. Piliin ang Safari sa kaliwang sulok sa itaas ng browser.

  2. Piliin ang Preferences.

  3. Piliin ang tab na Extensions sa menu bar sa itaas.

  4. Alisan ng check ang kahon sa tabi ng bawat extension para i-disable ito.

  5. Isara ang window na Extensions.

  6. Subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article