Netflix Error tvq-pb-101 (5.6.2)

Baka nakatanggap ka ng error code na tvq-pb-101 (5.6.2) na may ganitong message:

Nagkakaproblema kami sa pag-play ng title na ito sa ngayon. Pakisubukan ulit mamaya o pumili ng ibang title.

Nangyayari ang error na ito kapag may problema sa data na naka-store sa device mo na pumipigil sa pag-play ng Netflix.

Para ayusin ang problema:

  1. Sa error screen, piliin ang More Details.

  2. Piliin ang Reload Netflix.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

  1. I-off ang device mo.

    Paalala:Kung hindi ka sigurado kung naka-off na nang tuluyan ang device mo, o kung wala kang makitang power button, bunutin sa saksakan ang power cable.

  2. Hayaang naka-off nang kahit 30 segundo ang device mo.

  3. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article