Paano i-experience ang Netflix House

Ang Netflix House ay in-person na entertainment venue para sa lahat ng fans ng Netflix. Libreng pumasok dito, at puwede kang tumikim ng mga pagkaing inspired ng mga paborito mong show at pelikula at mag-uwi ng bahagi ng kuwento mula sa shop namin. Mayroon ding mga immersive experience na kailangan ng ticket kung saan nagiging bahagi ka mismo ng kuwento.

Magbubukas ang Netflix House sa dalawang lokasyon sa US sa katapusan ng 2025.

  • Magbubukas ang Netflix House Philadelphia sa King of Prussia, Pennsylvania sa November 12, 2025. Magsisimula ang ticket presales sa:

    • October 7: Mga credit cardmember ng American Airlines AAdvantage® Mastercard® lang

      Para sa American Airlines AAdvantage® Mastercard® credit cardmember presale tickets, ilagay ang promo code na ipinadala sa email mo nitong October (promo code: AAMCACCESS) at tiyaking magbabayad ka gamit ang American Airlines AAdvantage® Mastercard® sa pag-checkout.

    • October 14: Netflix House Waitlist lang

    • October 17: General public

  • Magbubukas ang Netflix House Dallas sa Galleria Dallas, Texas sa December 11, 2025. Magsisimula ang ticket presales sa:

    • November 7: Mga credit cardmember ng American Airlines AAdvantage® Mastercard® lang

    • November 14: Netflix House Waitlist lang

    • November 18: General public

Pumunta sa netflix.com/house para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga naka-feature na experience at para bumili ng ticket.

Hindi, welcome ang lahat na pumunta sa Netflix House at bumili ng ticket sa mga naka-feature na experience, Netflix member man o hindi.

Makakabili ng ticket para sa mga immersive experience sa Netflix House sa netflix.com/house. Piliin ang petsa, oras, at bilang ng ticket, at sundin ang instructions sa pag-check out.

Tinatanggap ng Netflix House ang lahat ng pangunahing credit at debit card, Apple Pay, at Google Pay.

Makakakuha ka ng confirmation email at hiwalay na email para sa digital ticket mo. Ipakita ang ticket mo (na nasa phone mo) pagkarating mo para makapasok.

Makakabili rin ng ticket sa mga lokasyon ng Netflix House sa isa sa mga onsite kiosk namin, pero inirerekomenda naming mag-book nang maaga dahil puwedeng maubos ang mga experience.

Libreng pumasok sa Netflix House habang may ilan namang immersive experience na may ticket. Iba-iba ang presyo ng ticket depende sa lokasyon, petsa, at uri ng experience. Pumunta sa netflix.com/house para sa updated na presyo.

Wala, bukas ang Netflix House sa lahat ng edad. Posibleng may inirerekomendang edad sa ilang immersive experience.

Oo, puwede mong baguhin ang booking mo hanggang sa 2 oras bago ang naka-schedule mong pagpunta. Makipag-ugnayan sa amin para magpatulong na i-reschedule ang tickets mo.

Hindi nare-refund ang tickets, pero puwede mong baguhin ang booking mo hanggang 2 oras bago ang naka-schedule mong pagpunta. Makipag-ugnayan sa amin para magpatulong na i-reschedule ang tickets mo.

Para sa iba pang impormasyon, pumunta sa page ng Mga FAQ tungkol sa Netflix House.

Mga Kaugnay na Article