Netflix Error Q7020

Kung nakikita mo ang error code Q7020 sa Meta Quest headset mo na may ganitong message:

Paumanhin sa abala
Mukhang nanonood ka ng Netflix sa higit sa isang browser o tab. Pakisara ang extra na browser o tab, at i-reload ang page. Kung hindi nito maaayos ang isyu, posibleng kailangan mong i-restart ang computer mo.

Ang karaniwang ibig sabihin nito ay nakabukas ang Netflix mo sa higit sa isang lugar. Sundin ang steps na ito para ayusin ang problema.

  1. Isara ang browser mo.

  2. Buksan ulit ang browser mo.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

  1. Hanapin ang power button:

    • Meta Quest 2: Kanang bahagi ng headset.

    • Meta Quest 3: Kaliwang bahagi ng headset.

    • Meta Quest Pro: Sa ibaba ng kaliwang strap.

  2. Habang naka-on ang headset, pindutin nang matagal ang power button hanggang sa lumabas ang Power off window.

  3. Piliin ang Restart.

  4. Kapag na-on na ulit ito, subukan ulit ang Netflix.

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article