Paano malalaman kung compatible ang device sa experience na may ads
Puwede mong gamitin ang Netflix app sa TV o TV streaming device mo para malaman kung gumagana ang device mo sa experience na may ads..
Kung naka-sign in ka sa Netflix:
Pumunta sa home screen at pindutin ang back button
sa remote mo para makapunta sa menu.
Kung nasa itaas ang menu: Pumunta sa kaliwa ng profile icon mo, piliin ang Humingi ng Tulong, at Plan Compatibility.
Kung nasa kaliwa ang menu: Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulong, at Plan Compatibility.
Kung hindi ka naka-sign in:
Buksan ang Netflix app.
Sa kaliwang bahagi sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulong, at Plan Compatibility.
Ilang bagay na dapat tandaan
Kung hindi pinapakita sa device mo ang option na Plan Compatibility, hindi ito puwedeng gamitin sa experience na may ads.
Hindi gumagana ang ilang device sa experience na may ads dahil hindi ma-update ang Netflix app o ang operating system ng device sa version ng software na sumu-support sa ads.
Kung may experience na may ads ka, hindi mo magagamit ang TV mo bilang display para sa content ng Netflix na nagpe-play sa mobile device mo (pag-cast o pag-mirror).