Netflix Error D7361-1254-C00D36B4

Pasensya na, nagkakaproblema kami sa request mo.

Karaniwang ang ibig sabihin ng error na ito ay kailangang i-update ang mga video driver mo o pinigilan ng external display ang pag-play ng Netflix.

Para ayusin ang problema:

Baka kailanganin mong i-update ang video driver ng computer mo, o mag-install ng video driver na supported ng Windows 10.

Hindi makakatulong ang Customer Service ng Netflix sa steps na ito. Kung hindi ka komportableng gawin ang mga ito nang mag-isa, makipag-ugnayan sa manufacturer ng computer mo para sa tulong.

  • Kung gumagamit ang computer mo ng graphics card o GPU, gamitin ang software na naka-install sa card para i-update ang video driver nito.

    Tandaan:Ang AMD at NVIDIA ang mga pinakakaraniwang producer ng mga GPU at GPU software.

  • Kung hindi gumana ang update o walang available na update, i-uninstall ang driver at i-reinstall ito.

  • Kung walang video driver para sa computer na supported ng Windows 10, subukang i-play ang Netflix sa ibang device o browser, tulad ng Google Chrome, Mozilla Firefox, o Opera.

Kung minsan, magdudulot ng ganitong problema ang paggamit ng TV bilang external monitor para sa computer mo.

  • I-disconnect ang computer mo sa TV mo at i-play ulit ang TV show o pelikula mo. Kung makakapag-play ka nang walang problema, tingnan ang TV owner's manual mo o ang support website ng manufacturer para sa impormasyon tungkol sa paggamit sa TV mo bilang monitor ng computer.

Mga Kaugnay na Article