Sabi ng Netflix, 'Error sa Connection: Hindi ka namin mai-connect sa Netflix, pakisubukan ulit mamaya.'

Kung may nakikita kang error sa iPad mo na nagsasabing

Error sa Connection: Hindi ka namin mai-connect sa Netflix, pakisubukan ulit mamaya

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may problema sa pag-connect sa network na pumipigil sa device mo na maka-connect sa serbisyo ng Netflix. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

  1. Pumunta sa home screeen, at i-tap ang App Store.

  2. I-tap ang Search, at ilagay ang "Netflix".

  3. Sa listahan, hanapin at i-tap ang Netflix, at i-tap Update. Baka kailanganin mong ilagay ang password ng Apple ID mo. Kung nakalimutan mo ito, sundin ang steps ng Apple para i-reset ito.

  4. Kapag tapos na ang update, subukan ulit ang Netflix.

  1. Pindutin nang matagal ang button sa gilid at ang isa sa mga volume button nang sabay hanggang sa makita ang mga slider. I-drag ang pinakaitaas na slider para i-off nang tuluyan ang device mo.

    • Kung walang nakikitang slider, pindutin nang matagal ang Sleep/Wake button hanggang sa makita ang pulang slider, pagkatapos ay i-drag ang slider.

  2. Pagkatapos ng 10 segundo, pindutin ang Sleep/Wake button.

  3. Kapag nag-power on ang device mo, subukan ulit ang Netflix.

  1. Sa main menu, hanapin at piliin ang Settings.

  2. Mag-scroll pababa at piliin ang General.

  3. Mag-scroll pababa at piliin ang Reset.

  4. Sa bubukas na listahan, piliin ang Reset Network Settings.

  5. Piliin ang Reset.

  6. Pagka-restart ng device, sa main menu, hanapin at piliin ang Settings.

  7. Piliin ang Wi-Fi.

  8. Piliin ang gusto mong network at mag-sign in gamit ang password ng Wi-Fi.

  9. Subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article