Sabi ng Netflix, 'Hindi available ang title.'

Kung may nakikita kang error sa Amazon Fire TV/Stick mo na nagsasabing

Hindi available ang title

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay kailangang i-refresh ang impormasyong naka-store sa device mo. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

  1. Sa Amazon Fire TV remote mo, pindutin ang Home button.

  2. Mag-scroll pakanan at piliin ang Settings.

  3. Mag-scroll pakanan at piliin ang Applications.

  4. Piliin ang Manage installed applications.

  5. Hanapin at piliin ang Netflix app.

  6. Mag-scroll pababa at piliin ang Clear data.

  7. Piliin ulit ang Clear data.

  8. Mag-scroll pababa at piliin ang Clear cache.

  9. Bunutin sa saksakan ang Amazon Fire TV mo nang 30 segundo

  10. Isaksak ulit ang Amazon Fire TV mo, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

Para i-uninstall ang Netflix:

  1. Gamit ang Fire TV remote mo, pindutin ang Home.

  2. Pumunta sa Netflix app, pagkatapos ay pindutin ang Options.

  3. Piliin ang Uninstall.

  4. Piliin ulit ang Uninstall para i-confirm.

Para i-reinstall ang Netflix:

  1. Gamit ang Fire TV remote mo, pindutin ang Netflix button.

  2. Piliin ang Download, pagkatapos ay piliin ang Open.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article