Netflix Error 1016

Kung nakikita mo ang error code na 1016 sa iPhone o iPad mo, ang karaniwang ibig sabihin nito ay may isyu sa pag-connect sa Internet. Posibleng dulot ng napuputol mong wireless connection o may kaugnayan sa DNS ang isyu. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang isyu.

  1. Pindutin ang Home button.

  2. Mag-swipe pataas mula sa ibaba ng Home screen para ipakita ang Control Center.

    • Kung hindi naka-enable sa device mo ang Control Center, puwede mong i-activate ang Airplane mode sa Settings.

  3. I-activate ang Airplane mode sa pamamagitan ng pag-tap sa airplane icon.

  4. Kapag na-activate na ang Airplane mode, i-disable ito sa pamamagitan ng pag-tap ulit sa airplane icon.

  5. Kapag nakakonekta na ulit ang device mo sa wireless network mo, buksan ang Netflix at subukang i-play ulit ang TV show o pelikula mo.

  1. Pindutin nang matagal ang button sa gilid at ang isa sa mga volume button nang sabay hanggang sa makita ang mga slider. I-drag ang pinakaitaas na slider para i-off nang tuluyan ang device mo.

    • Kung walang nakikitang slider, pindutin nang matagal ang Sleep/Wake button hanggang sa makita ang pulang slider, pagkatapos ay i-drag ang slider.

  2. Pagkatapos ng 10 segundo, pindutin ang Sleep/Wake button.

  3. Kapag nag-power on ang device mo, subukan ulit ang Netflix.

Resetting modem and device, 30-sec timer, cable unplugged.

  1. I-off ang device mo, pagkatapos ay bunutin sa saksakan ang modem at router mo.

  2. Pagkalipas ng 30 segundo, isaksak ang modem at router mo.

  3. Maghintay nang 1 minuto, pagkatapos ay i-on ang device mo.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Tandaan:Baka mas matagal mag-reconnect sa Internet ang ilang device, modem, at router.

Mga Kaugnay na Article