May bumubukas na pop-up window o tab habang ginagamit ang Netflix

Hindi gumagawa o nagpapakita ng pop-up window o tab ang serbisyo ng Netflix. Kung may lumalabas na pop-up habang gumagamit o nanonood ka ng Netflix, puwede mong tingnan kung may nakakasamang software o adware na naka-install sa device mo at alisin ito. Kung nagpapakita ng di-inaasahang ads ang device mo, tingnan kung nasa experience na may ads ang Netflix account mo o alamin kung paano nagpapakita ng ads sa Netflix.

Piliin ang device mo sa ibaba para alamin pa.

Hindi makakatulong ang Customer Service ng Netflix sa pag-troubleshoot o pag-alis ng software mula sa computer mo dahil iba-iba ang steps para sa bawat device.

Windows 10 o 11: Sundin ang steps ng Microsoft para i-check kung may malware at alisin ito mula sa computer mo.

Windows 8: Alamin ang tungkol sa paggamit ng Windows Malicious Software Removal Tool ng Microsoft.

Kung magpapatuloy ang isyu, makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa ng computer mo o sa IT professional para magpatulong na alisin ang nakakasamang software o adware mula sa computer mo.

Hindi makakatulong ang Customer Service ng Netflix sa pag-troubleshoot o pag-alis ng software mula sa Mac mo dahil iba-iba ang steps para sa bawat device.

Sundin ang steps ng Apple para mag-block ng mga pop-up ad at window sa Safari at i-install ang mga pinakabagong update sa software.

Kung magpapatuloy ang isyu, makipag-ugnayan sa support ng Apple o sa IT professional para magpatulong na alisin ang nakakasamang software o adware mula sa computer mo.

Hindi makakatulong ang Customer Service ng Netflix sa pag-troubleshoot o pag-alis ng software mula sa mobile device mo dahil iba-iba ang steps para sa bawat device.

Sundin ang steps ng Apple para mag-alis ng mga hindi gustong ad, pop-up, at malware mula sa phone o tablet mo.

Kung magpapatuloy ang isyu, makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa ng device mo o sa IT professional para magpatulong na alisin ang nakakasamang software o adware mula sa computer mo.

Hindi makakatulong ang Customer Service ng Netflix sa pag-troubleshoot o pag-alis ng software mula sa Android device mo dahil iba-iba ang steps para sa bawat device.

Sundin ang steps ng Google para mag-alis ng mga hindi gustong ad, pop-up, at malware mula sa Android device mo. Ang steps para gawin ito sa Android TV/box ay katulad lang ng paggawa nito sa Android phone o tablet.

Kung magpapatuloy ang isyu, makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa ng device mo o sa IT professional para magpatulong na alisin ang nakakasamang software o adware mula sa Android device mo.

Mga Kaugnay na Article