Netflix Error tvq-pb-101 (5.6.2.7)

Baka nakatanggap ka ng error code na tvq-pb-101 (5.6.2.7) na may ganitong message:

Nagkakaproblema kami sa pag-play ng title na ito sa ngayon. Pakisubukan ulit o pumili ng ibang title.

Nangyayari ang error na ito kapag may problema sa data na naka-store sa device mo na pumipigil sa pag-play ng Netflix.

Para ayusin ang problema:

Illustration of a TV with a power button symbol, a power strip, and a 15-second timer, suggesting a restart device process

  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Roku 1

  1. Pindutin ang Home button sa Roku remote mo para pumunta sa home screen ng Roku.

  2. Piliin ang Settings.

  3. Piliin ang Netflix Settings.

  4. Piliin ang Deactivate this player from my Netflix account.

  5. Piliin ang Yes. Na-deactivate na ang device.

  6. Piliin ang Netflix mula sa home screen at sundin ang mga prompt para i-reactivate ang app.

  7. Mag-sign in sa account mo at subukan ulit ang Netflix.

Lahat ng iba pang model ng Roku

  1. Pindutin ang Home button sa Roku remote mo para pumunta sa home screen ng Roku.

  2. I-highlight ang Netflix app at pindutin ang star key sa remote.

  3. Piliin ang Remove channel.

  4. Piliin ang Remove channel again para i-confirm.

  5. Mula sa home screen, piliin ang Streaming Channels.

  6. Piliin ang Movies & TV.

  7. Piliin ang Netflix.

  8. Piliin ang Add Channel.

  9. Piliin ang Go to channel.

  10. Mag-sign in sa account mo at subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article