Netflix Error ui-801-p1
Posibleng makuha mo ang error code na ui-801-p1 kasama ng message na:
Nagka-error ang Netflix. Susubukan ulit sa loob ng X segundo.
Code: ui-801-p1
Nangyayari ang error na ito kapag may problema sa data na naka-store sa device mo na pumipigil sa pag-play ng Netflix.
Para ayusin ang problema:
I-off ang device mo.
Paalala:Kung hindi ka sigurado kung naka-off na nang tuluyan ang device mo, o kung wala kang makitang power button, bunutin sa saksakan ang power cable.
Hayaang naka-off nang kahit 30 segundo ang device mo.
I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.