Netflix Error D7361-1254-C0262500

Pasensya na, pero nagkakaproblema kami sa request mo.

Puwedeng mangyari ang error na ito kapag hindi supported ang video output method ng computer mo, gaya ng Wireless Display Adapter. Puwede ring ang ibig sabihin nito ay hindi supported ang graphics driver ng computer mo o kailangan itong i-update sa pinakabagong version.

Para ayusin ang problema:

Kung gumagamit lang ang computer mo ng built-in display, laktawan ang steps na ito.

  1. I-disconnect ang mga video output device na naka-connect sa computer mo, tulad ng wireless display adapter, monitor, o TV.

  2. Subukan ulit ang Netflix.

Baka kailanganin mong i-update ang video driver ng computer mo, o mag-install ng video driver na supported ng Windows 10.

Hindi makakatulong ang Customer Service ng Netflix sa steps na ito. Kung hindi ka komportableng gawin ang mga ito nang mag-isa, makipag-ugnayan sa manufacturer ng computer mo para sa tulong.

  • Kung gumagamit ang computer mo ng graphics card o GPU, gamitin ang software na naka-install sa card para i-update ang video driver nito.

    Tandaan:Ang AMD at NVIDIA ang mga pinakakaraniwang producer ng mga GPU at GPU software.

  • Kung hindi gumana ang update o walang available na update, i-uninstall ang driver at i-reinstall ito.

  • Kung walang video driver para sa computer na supported ng Windows 10, subukang i-play ang Netflix sa ibang device o browser, tulad ng Google Chrome, Mozilla Firefox, o Opera.

Mga Kaugnay na Article