I-save, panoorin ulit, at i-share ang mga paborito mong sandali sa Netflix
Para i-save, panoorin ulit, i-share ang mga timestamp mula sa mga paborito mong TV show at pelikula, gamitin ang Moments. Puwedeng i-save ang Moments gamit ang Netflix app sa mga Android phone at tablet, iPhone, at iPad.
Habang nanonood, i-tap ang screen, pagkatapos ay i-tap ang Moments.
I-tap ang I-save.
I-tap ang icon naI-share para ipadala sa mga kapamilya at kaibigan, o panoorin ulit ang mga naka-save na moment anumang oras sa Netflix Ko.
Tandaan: Hindi available ang Moments sa mga experience na may ads. Para gamitin ang Moments, lumipat sa experience na walang ads.