Posibleng ang pagkaka-set up sa TV ang dahilan ng ilang problema sa display. Para matiyak na hindi ito ang dahilan, paki-check ang settings ng TV mo. Para sa higit pang impormasyon kung paano i-check ang settings ng TV mo, tingnan ang owner’s manual.
Sa settings ng TV mo:
Siguraduhing naka-set ang TV mo sa video broadcast system (PAL o NTSC) na kapareho ng sa Xbox 360 console mo. Halimbawa, kung sa United States binili ang Xbox 360 console mo, siguraduhing supported ng TV mo ang NTSC.
Kung PAL console ang Xbox 360 console mo, i-set ang TV mo sa PAL 60.
Kung may naka-enable na uri ng picture/motion compensation ang TV mo, i-disable ito. Kasama sa mga halimbawa ng mga uri ng compensation ang sumusunod:
Dynamic contrast
Automatic compensation
Contrast detection
Light detector
Motion detection
Motion interpolation
Motion smoothing
Paalala:Posibleng magkakaiba ang pangalan ng mga feature na ito depende sa pagkakagawa o model ng TV mo. Para matiyak kung may ganitong settings ang TV mo, makipag-ugnayan sa manufacturer.
Kung tama ang settings ng TV mo, subukang i-connect sa ibang TV ang Xbox 360 console mo para makita kung lilitaw rin ang mga problema sa display.
Puwede mo ring subukang i-reset ang TV mo sa factory settings nito. Para sa higit pang impormasyon kung paano gagawin ito, tingnan ang manual ng TV mo.