Hindi ako makapag-sign out sa Apple TV ko.

Kung paulit-ulit kang bumabalik sa page ng pag-sign out o pagsisimula ulit ng membership kapag sinusubukan mong mag-sign out sa Apple TV mo, karaniwang ang ibig sabihin nito ay may impormasyong naka-store sa device na kailangang i-refresh. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

Paalala:
Sa Apple TV 2 at Apple TV 3 lang nangyayari ang error na ito. Kung nakikita mo ang error na ito sa Apple TV 4 o Apple TV 4K, makipag-ugnayan sa customer service.

I-reset ang lahat ng settings sa Apple TV mo

Buburahin ng steps na ito ang Apple TV mo, ire-reset ang naka-save mong settings, at iki-clear ang data na naka-store sa device mo, tulad ng Netflix login mo at pangalan at password ng Wi-Fi mo. Tiyaking mayroon ka ng impormasyong ito, at sundin lang ang steps na ito kung hindi pa nalutas ang isyung ito pagkatapos gawin ang ibang steps.

Para ayusin ang problema:

  1. Sundin ang steps ng Apple para i-reset o i-restore ang Apple TV mo sa factory settings nito.

  2. Pagkatapos i-reset ang Apple TV mo at kumpletuhin ang paunang setup, subukan ulit ang Netflix.

Ano ang susunod kong gagawin?

Kung nakakaranas ka pa rin ng ganitong error pagkatapos mong mag-full factory reset, baka may hindi maaayos na problema sa device mo. Makipag-ugnayan sa manufacturer ng device mo para sa karagdagang tulong.

Mga Kaugnay na Article