Netflix Error M7361-1253

Pasensya na sa abala
Pasensya na, nagkakaproblema kami sa request mo.
Error Code M7361-1253

Karaniwang ang ibig sabihin ng error na ito ay kailangang ma-update Google Chrome para makapag-play ng Netflix, o kailangang i-refresh ang data na naka-store sa device mo.

Para ayusin ang problema:

  1. Sa kanang sulok sa itaas ng browser mo, i-click ang Iba pa.

  2. I-click ang Help > About Google Chrome.

  3. Maghintay habang automatic na naghahanap ng mga bagong update ang Chrome.

  4. Kapag may available na update, i-click ang Relaunch.

  5. Subukan ulit ang Netflix.

  1. I-shut down ang computer mo gamit ang menu:

    • Mac: Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Apple menu, pagkatapos ay i-click ang Shut Down.

    • Windows: I-click ang Start menu, at pagkatapos ay i-click ang Power > Shut down.

    • Chromebook: Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang oras, pagkatapos ay i-click ang Sign out > Shut down.

  2. Hayaang naka-off nang kahit 10 segundo ang computer mo.

  3. I-on ito ulit, tapos, subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article