Sabi ng Netflix, invalid ang email address pagkatapos mag-sign in
Kung nakapag-sign in ka sa website ng Netflix pero may nakikita kang banner na nagsasabing invalid ang email address mo, piliin ang I-update ang Email Address para itama ang mga maling spelling o typo sa email na nasa record namin.
Lalabas ang banner na ito kung may email ang Netflix na nag-bounce back o na-block sa delivery. Kung na-update mo na ang email mo pero nakikita mo pa rin ang notification na ito sa website, posibleng bina-block ng email provider mo ang mga email mula sa Netflix. Para masiguradong hindi naba-block ang Netflix, i-add ang mga sumusunod na email address sa contacts mo:
info@account.netflix.com
info@join.netflix.com
info@mailer.netflix.com
info@members.netflix.com
info@partner.netflix.com
surveys@mailer.netflix.com