Netflix Error 11003

Kung nakikita mo ang error code na 11003, karaniwang ang ibig sabihin nito ay may impormasyon o setting sa device mo na pumipigil dito na maka-connect sa serbisyo ng Netflix. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot para sa device mo sa ibaba para ayusin ang problema.

I-confirm ang settings ng system
  1. Mag-navigate sa Settings.

  2. Mag-scroll pababa at piliin ang Developer options.

    • Madalas, nakikita ito sa System o General.

  3. Sa Apps, i-uncheck ang Do not keep activities.

  4. Buksan ulit ang Netflix app at subukan ulit mag-stream.

Kung hindi mo nakikita ang Developer options:

  1. Sa Settings, mag-scroll pababa at piliin ang About device.

    • Madalas, nakikita ito sa System o General.

  2. Piliin ang Software info.

  3. Mag-scroll papunta sa kung nasaan ang Build number.

  4. Pindutin ang Build number nang limang beses hanggang sa may lumabas na pop-up na may nakasulat na developer mode enabled. Gagawa ito ng bagong option sa settings na may pamagat na Developer options.

  5. Piliin ang Developer options.

  6. Sa Apps, i-uncheck ang Do not keep activities.

  7. Buksan ulit ang Netflix app at subukan ulit mag-stream.

  1. Pindutin nang matagal ang Power button sa gilid ng tablet mo.

  2. Kapag nakita mo ang message na Do you want to shut down your Kindle? o Do you want to shut down your Fire?, i-tap ang Shut Down, Power Off, o OK.

  3. Kapag naka-power off na nang tuluyan ang device, pindutin nang matagal ang Power button hanggang sa makita mo ang logo ng Kindle o Amazon.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Resetting modem and device, 30-sec timer, cable unplugged.

  1. I-off ang device mo, pagkatapos ay bunutin sa saksakan ang modem at router mo.

  2. Pagkalipas ng 30 segundo, isaksak ang modem at router mo.

  3. Maghintay nang 1 minuto, pagkatapos ay i-on ang device mo.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Tandaan:Baka mas matagal mag-reconnect sa Internet ang ilang device, modem, at router.

Mga Kaugnay na Article