Netflix Error 12001

Kung nakikita mo ang error code na 12001 sa Android phone tablet mo, karaniwang ang ibig sabihin nito ay kailangang i-refresh ang device mo. Sundin ang steps na ito para ayusin ang problema.

Tablet with power icon indicating turn off process

  1. I-off ang phone o tablet mo. Siguraduhing naka-off ito at hindi lang naka-lock.

  2. I-on ito ulit.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Kung i-clear mo ang data ng Netflix app mo, aalisin ang anumang TV show o pelikula na na-download mo sa device mo. Isa-sign out ka rin sa account mo. Tiyaking malapit sa iyo ang password mo.

  1. Hanapin ang Netflix app sa Android device mo.

  2. I-tap nang matagal ang app icon, tapos, i-tap angApp info.

  3. I-tap ang Storage & cache > Clear storage > OK.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Tandaan: Baka iba ang esksaktong steps para sa device mo. Tingnan ang manual ng device mo o makipag-ugnayan sa kumpanya na gumawa nito para sa pinaka-up-to-date na instructions.

Kung hindi maaayos ng steps na ito ang problema, makipag-ugnayan sa internet service provider (ISP) mo para sa tulong sa pag-aayos ng isyu sa network connection.

Magagawa ng ISP mo na:

  • Tingnan kung may internet outage sa lugar ninyo.

  • Ayusin ang mga karaniwang isyu sa router o modem at mga maling setting ng network.

  • I-restart o i-reset ang connection ng network mo.

Habang nakikipag-usap sa ISP mo, ipaalam sa kanila:

  • Kung sa isang device lang nangyayari ang isyu, o sa iba pang device sa parehong network.

  • Kung kumo-connect ang device mo gamit ang Wi-Fi o nang direkta gamit ang cable.

Bago matapos makipag-usap sa ISP mo:

  • Gamit ang web browser, pumunta sa fast.com para i-test ang bilis at connection ng internet mo nang direkta sa Netflix.

  • Subukang mag-Netflix ulit para siguraduhing naayos na ang problema.

Mga Kaugnay na Article