Netflix Error 117
Kung nakikita mo ang error code na 117, na madalas na may ganitong message:
Mag-log in ulit sa Netflix. Kung may problema pa rin, pumunta sa website ng Netflix.
Nangyayari ang error na ito kapag may problema sa data na naka-store sa device mo na pumipigil sa pag-play ng Netflix.
Para ayusin ang problema:
Kapag in-uninstall mo ang app, made-delete ang anumang download na naka-save sa device mo at masa-sign out ka sa Netflix.
Pumunta sa home screen, at i-tap nang matagal ang Netflix app.
I-tap ang Remove app > Delete app > Delete.
Buksan ang App Store at i-search ang "Netflix."
I-tap ang Netflix, pagkatapos ay i-tap ang cloud icon para makuha ang app. Baka kailanganin mong ilagay ang password ng Apple ID mo. Kung nakalimutan mo ito, sundin ang steps ng Apple para i-reset ito.
Kapag naka-install na ang app, subukan ulit ang Netflix.
Paalala:Kung hindi mo mahanap ang Netflix app pagkatapos alisin ito, sundin ang steps ng Apple para mag-download ulit ng app mula sa App Store.