Netflix Error 119

Kung nakikita mo ang error code na 119, na madalas na may ganitong message:

Mag-log in ulit sa Netflix. Kung may problema pa rin, pumunta sa website ng Netflix.

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may impormasyong naka-store sa device mo na kailangang i-refresh. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot para sa device mo sa ibaba para ayusin ang problema.

Paalala:Kung ginagamit mo ang Apple remote application para sa iPhone o iPad, lumipat sa Apple TV remote para mag-sign in.

  1. Buksan ang Netflix at pumunta sa home screen.

  2. Kung may mga profile sa account mo, piliin ang Lumipat ng Profile. Kung walang profile sa account mo, pumunta sa susunod na steps.

  3. Piliin ang Mag-sign Out.

  4. Mag-sign in ulit at subukan ulit ang Netflix.

  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Kapag in-uninstall mo ang app, made-delete ang anumang download na naka-save sa device mo at masa-sign out ka sa Netflix.

  1. Pumunta sa home screen, at i-tap nang matagal ang Netflix app.

  2. I-tap ang Remove app > Delete app > Delete.

  3. Buksan ang App Store at i-search ang "Netflix."

  4. I-tap ang Netflix, pagkatapos ay i-tap ang cloud icon para makuha ang app. Baka kailanganin mong ilagay ang password ng Apple ID mo. Kung nakalimutan mo ito, sundin ang steps ng Apple para i-reset ito.

  5. Kapag naka-install na ang app, subukan ulit ang Netflix.

Paalala:Kung hindi mo mahanap ang Netflix app pagkatapos alisin ito, sundin ang steps ng Apple para mag-download ulit ng app mula sa App Store.

  1. Pindutin nang matagal ang button sa gilid at ang isa sa mga volume button nang sabay hanggang sa makita ang mga slider. I-drag ang pinakaitaas na slider para i-off nang tuluyan ang device mo.

    • Kung walang nakikitang slider, pindutin nang matagal ang Sleep/Wake button hanggang sa makita ang pulang slider, pagkatapos ay i-drag ang slider.

  2. Pagkatapos ng 10 segundo, pindutin ang Sleep/Wake button.

  3. Kapag nag-power on ang device mo, subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article